Sa January 14 episode ng 'Cristy Ferminute' ay tinalakay nina Cristy Fermin at co-host na si Romel Chika ang umano'y kumakalat na video ni Paolo Contis kung saan sinasabi nitong proud umano siya sa pagbubuntis ng kaniyang 'friend' na si Yen Santos.
Ayon kay Cristy, wala umanong katotohanan ito at pawang 'splice' lamang o hinati-hati ng mga netizen na wala umanong magandang intensyon sa buhay kundi ang manira ng kapwa.
Ang video umanong kumakalat na ito ay na-splice o pinagdugtong-dugtong na clip mula sa ibang existing videos na tila naaakma sa kasalukuyang sitwasyon.
"Kawawa naman yung mga artista, walang mapuntahan, kanan kaliwa talo sila, hindi maipagtanggol ang sarili," pahayag ni Cristy.
"Isa lang ang sagot ni Paolo tungkol diyan, KALOKOHAN!"
Bagama't nagpaliwanag na si Paolo na talagang magkaibigan lamang sila ni Yen, hindi naman tinuldukan ni Yen ang isyung ito na nagsimula noong 2021, sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nina Paolo at LJ Reyes, na sa kasalukuyan ay naninirahan na sa Amerika kasama ang mga junakis na sina Aki at Summer.
Bago pa magtapos ang 2021 ay muling inulan ng intriga sina Paolo at Yen dahil sa mga kumalat na litrato nila sa isang airport. Magkasama umanong nagbakasyon ang dalawa sa Boracay.
Sa pamamagitan ni Ogie Diaz ay itinanggi ni Paolo ang mga kumakalat na isyung buntis na raw si Yen dahil parang may baby bump na ito sa kumalat na litrato.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/03/paolo-nag-react-sa-pregnancy-issue-kay-yen-nagmukha-siyang-mataba-kasi-ang-hangin-that-time/">https://balita.net.ph/2022/01/03/paolo-nag-react-sa-pregnancy-issue-kay-yen-nagmukha-siyang-mataba-kasi-ang-hangin-that-time/
Sagot naman ng aktor, mahangin lamang daw ng mga oras na iyon, kaya nagmukhang mataba si Yen dahil inililipad ng hangin ang suot nitong damit.