Talaga namang hindi paaawat ang kasikatan at pamamayagpag ng sikat na online seller-turned-celebrity na si Daisy Lopez a.k.a. 'Madam Inutz'.

Matapos sumikat at bigyan ng sariling YouTube channel, iPhone, awitin, music video, at sariling bahay at lupa, talagang 'ubos-yaman' ang talent manager niyang si Wilbert Tolentino sa pagsuporta sa kaniyang sa 'Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10, nang pumasok siya bilang housemate at napabilang sa Top 5.

Hindi man pinalad na mapasama sa Top 2 (Alyssa Valdez at Anji Salvacion), winner na winner pa rin si Madam Inutz dahil may naghihintay na bahay at lupa na para sa kaniya, na sagot din ni Wilbert ang pagpapa-renovate.

Pero tanong ng marami, what's next for Madam Inutz?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Muling bumalik sa kaniyang online selling si Madam, at aniya, pasukin man niya ang pag-aartista o magkaroon pa ng ibang proyekto, hinding-hindi niya bibitiwan ang pagtitinda, dahil dito siya unang nakilala at minahal ng mga tao.

Nitong Enero 13, ibinahagi ni Madam Inutz ang litrato niya na nagpapakita ng blueprint o plano para sa gagawing renovation at disenyo sa kaniyang malaking bagong bahay.

May be an image of 2 people and indoor
Madam Inutz (Larawan mula sa FB/Daisy Lopez/madam Inutz)

"SALAMAT SA ARCHITECT AT ENGINEER NABUO NG DISENYO SA AKING BAGONG TAHANAN!! FIRST TIME KONG MAKITA ANG ARCHITECTURAL PLAN NG BAHAY. PERO ANG INUTZ N'YO INDI NAIINTINDIHAN!! TUNGENGAK LANG!! OOOW JIIIIEVA?" ani Madam inutz sa caption ng kaniyang Facebook post.

Pinasalamatan naman niya si Wilbert na siyang bumuo umano ng pangarap niya para sa kaniyang pamilya.

"PERO SALAMAT SA AKING MANAGER DAHIL IKAW ANG BUMUO NG AKING PANGARAP PARA SA PAMILYA KO!!

HINDI MAN AKO PINALAD SA BAHAY NI KUYA SA TOP 2. PERO MASAYA PA RIN AKO DAHIL NAKATUNGTONG AKO SA TOP 4 AT LAHAT 'YAN AY DAHIL SA SUPORTA NINYO MGA KAINUTZ AT ANG AKING BEST MANAGER!! LAB YOU SIR WIL."

Bukod sa bagong development sa kaniyang bagong bahay, may bago na ring negosyo ang 'Mama-benta ng Cavite.' Ginamit pa niyang marketing strategy ang naging pahayag niya laban kay Chie Filomeno, sa kontrobersyal niyang nomination sa Ginebra San Miguel Calendar Girl 2022.

"PURO PAGPAPAGANDA LANG BA AMBAG MO? PUWES DAGDAGAN NATIN ANG AMBAG NA 'YAN SA AKING

D. LO by DAISY LOPEZ REJUV SET, KOREAN FORMULATED, AFFORDABLE AT EFFECTIVE!"

"MADALI LANG UMORDER, MABILIS I-DELIVER! HINDI LANG GANDA ANG MA-AMBAG MO, PATI KITA! DAHIL PUWEDE DIN KAYO MAGING ACCREDITED RESELLER NAMIN AT MATUTO KUNG PAANO MAGSIMULA NG ONLINE NEGOSYO!! KAYA MGA MARITES, COMING SOON NA ETO."

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/Madam Inutz

Nauna na niyang sinabi sa isang online selling session na makakasama siya sa romantic comedy project nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina sa ABS-CBN. Bukod doon, may bagong awitin din umanong iniluluto para sa kaniya.

Kaya naman, sana all Madam!