Usap-usapan at kinakikiligan ngayon sa social media ang tila parinigan ng dating magkarelasyong sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao sa kani-kanilang mga social media, matapos maghiwalay noong 2021.

Ngunit hindi gaya ng mga naghiwalay na mag-jowa na nagbabatuhan ng maaanghang na salita, tila nakyutan naman ang mga netizen sa kanilang mga 'parinig'.

Nauna kasi rito ang cosplayer na si Alodia na nagsuot ng sleek golden gown, na mula sa isa sa mga character ng League of Legends’ na si Leona, para sa Arcane red-carpet event sa California, USA. Ibinahagi niya ito sa social media noong Huwebes, Enero 13.

"Hi. Ako nga pala yung sinayang mo," saad ni Alodia sa caption.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May be an image of 1 person and standing
Larawab mula sa FB/Alodia Gosiengfiao

Saad naman ng mga netizen, mukhang ang pinatutungkulan nito ay ang ex na si Wil. Marami sa mga netizen ang nagsabing sayang na sayang nga at pinakawalan pa umano ni Wil ang napakagandang si Alodia.

Nagbiro naman ang kapatid na babae ni Alodia na si Ashley sa comment section.

“Tag ko na ba?”

At ang nakagugulat na mas ikinasiya pa ng mga netizen, tumugon dito si Wil.

"Wag na nagbo-blow up na fone ko alam ko na! Nakupo," na agad naman ding binura.

Ngunit nitong Enero 14 ay nag-post naman si Wil ng tila parunggit sa ginawang 'pagpaparinig' ni Alodia.

"Hi, ako nga pala yung sinaing mo," saad sa caption ng Facebook post ni Will habang topless at nakasuot lamang ng apron, at may hawak na rice cooker na naglalaman ng sinaing na kanin.

May be an image of 1 person, standing, indoor and text that says 'QUE WD WD'
Larawab mula sa FB/Wil Dasovich)

Kilig to the bones naman ang mga tagahanga ng dalawa, na umaasang sana raw ay magkaayos at magkabalikan ang dalawa.

Nagsimula ang relasyon nina Wil at Alodia noong 2018 at nagwakas ito noong Nobyembre 2021 na ikinagulat ng lahat. Hindi na nila dinetalye pa kung ano ang puno't dulo ng kanilang hiwalayan.