Sa kalagayan ngayon ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino hindi matatawaran ang maraming nagmamahal sa kanya. Pruweba na lang ang sangkatutak na mensahe sa kanyang Instagram sa latest post niya. Dasal at moral supports ang laman ng mga mensahe ng kanyang mga showbiz friends, family, friends, relatives at kanyang mga followers.

Katunayan ipinakita ng magaling na TV host sa kanyang socmed ang bouquet of Roses na tangan tangan ni Bimb habang nasa kama si Kris. Pati Sunflowers na pawang galing sa mga maalalahanin niyang kaibigan.

Sey nga niya, “P.S. to protect the privacy of the very thoughtful friends who sent me flowers, balloons, fruits, home cooked food, Rosaries, prayer books, ice cream, and so much more i am refraining from any gratitude posts. To all, please know how much your thoughtfulness & gestures of caring especially your messages and hand written cards have uplifted me.”

Dahil diyan lalong tumataas ang level of outlook ni Kris. Sa kanyang pinagdadaanan at sa nangyari sa kanyang lovelife, laban lang si Kris, self aware at in touch with her feelings. Ika nga nila walang sukuan. Lahat ng ito ay para sa kanyang dalawang loving sons nasinaBimbyat Josh.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa mga ipinakitang pagmamahal at thoughtfulness ng mga kaibigan ni Kris. Wika niya, “At least now i know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan, at sino ang makasarili at fake lang pala. (Hindi po yung exfiancéang pinatatamaan, kungsyapinangalanankona lang.)

Ang tanong sino yung fake na tinutukoy ni Kris. Diretsang may pinatatamaan ang magaling na TV host. Kung alam ninyo quiet and behave na lang. Yun na! 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/13/kris-malayo-pa-sa-okay-ang-kalusugan-no-care-kung-babatikusin-sa-pagtulong/