Mukhang ang mag-jowang sina Vice Ganda at Ion Perez naman ngayon ang nasa highlight ng 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza, matapos niyang pabirong kuwestyunin kung magkano umano ang tunay na ambag ni Ion sa ibinagsak na ₱500K ng dalawa, para sa benefit digital concert ng ABS-CBN para sa mga hinagupit ng bagyong Odette.

Matatandaang sa halip na ₱100K gaya ng hirit ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa kaibigang Unkabogable Star, ₱500K ang ibinigay ng couple, nang awitin ng Songbird ang kaniyang request song na 'Follow the Sun.'

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/12/vice-ganda-ion-500k-ang-ibinagsak-para-sa-mga-hinagupit-ng-bagyong-odette/">https://balita.net.ph/2022/01/12/vice-ganda-ion-500k-ang-ibinagsak-para-sa-mga-hinagupit-ng-bagyong-odette/

Ibinahagi naman ni Xian Gaza sa kaniyang Facebook post ang kaniyang komento sa balitang ito. Nai-screengrab niya ang sariling komento sa lumabas na pubmat ng isang balita.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Tanong niya, "Bilang isang Marites, gusto kong malaman kung magkano ang totoong ambag ni Ion sa ₱500K. Charot!"

Ngunit kumambyo at nagpasalamat naman si Xian sa mag-jowa.

"Salamat sa tulong ninyo para sa ating mga kababayan! May God bless you both!"

May be an image of 2 people, people standing and text that says '< NEWS5 News5 3h ·· VICE GANDA AT ION PEREZ, NAG-DONATE NG P500,000 PARA SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG ODETTE Nagbigay ng kalahating milyong piso sina Vice Ganda at lon Perez sa online benefit concert Regine Velasquez para sa mga biktima ng bagyong Odette. News5Everywhere @news5ph Like News5 com. ph Comment 3.6K Share 31 Shares Most relevant Christian Albert Gaza Bilang isang Marites, gusto kong malaman kung magkano ang totoong ambag ni Ion sa 500K. charot! Salamat sa tulong ninyo para sa ating mga kababayan! May God bless you both!'
Vice Ganda at Ion Perez (Screengrab mula sa FB/Xian Gaza)

Sa comment section naman, sinabi ni Xian na huwag sanang magalit ang dalawa o ang publiko sa kaniya. Nais lang daw niyang malaman kung magkano ang hatian ng dalawa sa ibinagsak na pera. Nilinaw ng negosyante/social media personality na isa lamang itong 'pure humor.'

"No hate. Just pure humor. If you find it very offensive sa part ni Ion, here's the logic: Magiging conjugal lamang ang isang donation kung kayong dalawa ay kasal na. Hangga't hindi pa kayo kasal, yung financial donation ninyo ay titignan as separate amounts. Ang tanong ngayon, sa ₱500K na 'yan… magkano yung galing kay Vice at magkano yung galing kay Ion?"

Hirit pa ni Xian, "Hoy hindi ako hater ni Ion ha? Siguro nagseselos lang ako OMG."

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Samantala, sa isa pang Facebook post ay ibinahagi ni Xian ang kaniyang paniniwala tungkol sa pagbo-broadcast ng pagtulong sa kapwa.

"DOON SA MGA TAONG NAGSASABI NA KAPAG TUMUTULONG KA EH DAPAT SARILIHIN MO NA LANG AT HUWAG I-BROADCAST SA LAHAT, ITO ANG TANONG KO SA INYO NGAYON: SAAN N'YO NAMAN NATUTUNAN 'YAN HA? SAAN N'YO NABASA 'YAN? SA BIBLIA? EH BAKIT SI HESUS KAPAG NATULONG SA KAPWA EH MOST OF THE TIME AY SA PAMPUBLIKONG LUGAR HA?"

"KAYA NGA NAISULAT SA BIBLIA YUNG MGA GOOD DEEDS NIYA KASI NGA MARAMING NAKAKITA 'DI BA? ALAM N'YO KUNG BAKIT WALA KAYONG PAG-UNLAD SA BUHAY AT NANANATILING MAHIRAP? KASI YUNG MINDSET NA ISINASABUHAY N'YO AY OUTDATED NA AT HINDI NA AKMA SA TAONG 2022."

"WALANG MASAMA KUNG TUTULONG KA TAPOS IPAGSIGAWAN MO SA MUNDO. ANG MASAMA EH YUNG PUTAK KA NANG PUTAK HABANG IKAW AY ISANG DUKHA MARALITA HAMPASLUPA NA WALANG PANTULONG SA KAPWA."

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Samantala, wala pang tugon sina Vice Ganda o Ion sa tanong ni Xian.