Hindi ₱100K kundi ₱500K ang ibinigay ng magjowa at 'It's Showtime' hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez para sa fund-raising ng benefit digital concert series na isinasagawa ng ABS-CBN para sa mga biktima at nasalanta ng bagyong Odette, na nangyari noong Disyembre 2021.

Ang 10-night 'By Request' digital concert ay sinimulan ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, kung saan umawit siya sa loob ng dalawang oras, na umere naman sa mga opisyal na social media accounts ng ABS-CBN, gayundin sa Kumu.

Screengrab mula sa IG/Regine Velasquez

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isa sa mga nanood na celebrity ay ang faney na faney ni Ate Reg na si Vice, na ngayon ay isa sa mga malalapit na niyang kaibigan at kasama sa concerts.

Matapos ang request ni Vice kay Reg ng awiting 'Follow the Sun', biniro ng Songbird ang Unkabogable Star na mag-donate siya ng ₱100K.

Maya-maya, inihayag ng host nito na si Darla Sauler, na nag-pledge si Vice at ang jowa nitong si Ion, hindi ₱100K kundi ₱500K!

Agad na nagpasalamat si Regine kay Vice at biniro pa itong mag-request pa ng mga kanta.

Iba-ibang featured performers ang aabangan at aawit sa 'By Request' tuwing 8:00 ng gabi, hanggang Enero 18.

Mapupunta ang makakalap na pondo sa ABS-CBN Foundation, partikular sa 'Tulong-Tulong sa Pag-ahon' campaign para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.