May pabiro ngunit madamdaming birthday message ang dating personal assistant ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual na si Hatima Marcampo o mas kilala bilang 'Moi Bien'.

Happy birthday my Mayor, you're the best!! and you're the yummiest, the yummyer? Hehe I love you beri beri much!! Ikaw lang yung habang tumantanda lalong sumasarap!!" pahayag ni Moi Bien na pinasok na rin ang pag-aartista.

Piolo Pascual at moi Bien/Hatima Marcampo (Larawan mula sa IG/Hatima Marcampo)

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Lagot daw sa kaniya si Piolo kapag umabot ito ng 50 anyos at wala pang asawa.

"Ahahaha pag di ka pa nakapag-asawa tapos 50 years old ka na!! Naku lagot baka tayo talaga!! Wahahahaha. Happy birthday @piolo_pascual."

Sa comment section ng IG post ni Moi ay nagkomento ang mister ni Angel Locsin na si Neil Arce.

"Bata pa lang ako pinapanood ko na 'yan," aniya.

Pabirong tugon naman ni Moi, "Hahaha oo ako din sa kapitbahay pa nga ako nanunuod eh kasi wala kaming TV haha."

Halos 16 na taong nanilbihan si Moi kay Papa Pi bilang personal assistant hanggang sa noong 2010 ay nagtapos ng culinary arts si Moi. Noong 2016 ay pinayagan na siya ni Piolo na magtrabaho sa iba.

“Noong una, siyempre kasi sobrang close namin, tapos noong nakikita ko na umaalis sila na hindi ako kasama, parang naiinggit ako. Nadudurog ang puso ko," pag-amin ni Moi sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP noong 2019.

Kahit aminadong nagkaroon ng separation anxiety, mas okay na raw ang relasyon nila ngayon ni Papa Pi dahil parang mas naging magkaibigan na sila.

"Pero okay na ako. Parang super-super friends na ganyan-ganyan," dagdag pa ni Moi.

Noong Oktubre 2021 ay naispatan si Piolo na kasama ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao sa isang beach escapade sa Bohol.

Nang uriratin siya ng ABS-CBN News tungkol dito, nitong 2022, sinabi niya na 'What you see is what you get."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/08/piolo-sa-chikang-sila-na-ni-shaina-what-you-see-is-what-you-get/">https://balita.net.ph/2022/01/08/piolo-sa-chikang-sila-na-ni-shaina-what-you-see-is-what-you-get/

Samantala, ipinagdiwang ni Piolo ang kaniyang kaarawan sa muli niyang pagbabalik sa 'ASAP Natin 'To' stage, sa pag-welcome ng mga batikang music icon na co-hosts sa naturang musical variety show, gaya nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Regine Velasquez-Alcasid kung saan inawit nila ang mga hit songs na ni-revive o kinanta ni Piolo.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/09/piolo-pascual-nagbalik-asap-may-gagawing-dalawang-proyekto/">https://balita.net.ph/2022/01/09/piolo-pascual-nagbalik-asap-may-gagawing-dalawang-proyekto/

Abala na umano si Piolo sa kaniyang nakahaing dalawang proyekto sa ABS-CBN; una na riyan ang 'Flower of Evil' katambal si Lovi Poe at romantic-comedy series na 'My Papa Pi' katambal si Angelica Panganiban, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.