Kasunod ng pagdiriwang ng ika-56 na kaarawan ni Megastar Sharon Cuneta noong Enero 8, naging personal naman siya sa kaniyang Instagram post kamakailan kaugnay ng kaniyang nararamdamang kalungkutan.

Basahin: Sharon Cuneta, nagdiwang ng 56th birthday; bakit nga ba nag-sorry? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“I have not been this lonely in years, and right after the new year came in right after my birthday,” saad ng Megastar sa kanyang Instagram post kalakip ang isang emoticon na tila nagpapahiwatig ng pagkadismaya.

Larawan ng isang babae na mag-isang nakaupo sa isang bangko ang ibinahagi ni Sharon bilang katumbas ng mga salitang binitawan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kasunod nito, bumuhos naman ang mensahe ng kapwa artista na nagpapaabot ng dasal kay Megastar.

Kabilang sa mga nagkomento ng praying emoticon sina Tina Paner, Arlene Muhlach, at ang mentee ni Sharon sa The Voice Teens PH na si Jeremy G.

“Everything will be fine ate. <3” saad naman ni Judy Ann Santos.

Hindi naman ibinahagi ni Sharon ang ilan pang detalye sa nasabing post.