Matapos ang huling Instagram post tungkol sa kumpirmasyon ng hiwalayan nila ng dating fiancé na si Mel Sarmiento, nagbigay ulit ng panibagong update si Queen of All Media Kris Aquino hinggil sa kaniyang health condition.

Aminado si Krissy na malayo pa sa okay ang kaniyang kalagayan. Kalakip ng kaniyang IG post ang litrato niya kasama ang kaniyang attending nurse na umaasikaso sa kaniya, gayundin ang mga 'resibo' ng kaniyang pagtulong habang nagpapagamot.

"Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa," aniya sa kaniyang latest IG post.

"Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… i am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have give me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko," aniya.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Makikita sa isa sa mga quote cards na ibinahagi ni Tetay ang 'resibo' ng kaniyang pagbibigay ng 800 praso ng antigen test para sa mga empleyado ng Bureau of Immigrations/BUKLOD-CID members, noong Enero 7.

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Bukod doon, nagbigay rin siya ng 10,000 cheese pandesal para sa mga empleyado, pasyente, at kanilang mga kasama sa Philippine General Hospital o PGH. Gagawin niya raw ito sa 10 consecutive Wednesdays na nagsimula na ngayong Enero 12.

Screengrab mula sa IG/Kris Aquino

Request ni Tetay, "Isang request lang po, please don’t scold my nurse for not wearing gloves during our IV insertion- ako po ang nag request na tanggalin na nya kasi naubusan na ko ng veins for the IV line, fragile & weak kasi ang mga ugat ko. Whether doctor or nurse, inaabot minsan ng 8 attempts to get the line successfully in."

Patuloy na lumalaban at nagpapalakas si Krissy para sa dalawang lalaki sa buhay niya ngayon; ang dalawang anak na sina Kuya Josh at Bimby. Hindi umano siya susuko sa pakikipaglaban sa kaniyang karamdaman.

"Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because I have Kuya Josh & Bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko."