Nagpaalala sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Miyerkules na ang pag-iimprenta ng mga imahe ng Philippine banknotes ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas, kasabay nang babala na maaaring kasuhan at mabilanggo ang mga gagawa nito.
Ang babala ay ginawa ng BSP matapos na madakip ng National Bureau of Investigation (NBI), katuwang ang BSP Payments and Currency Investigation Group (PCIG), ng isang indibidwal na pinaghihinalaang nagbebenta ng pera o cash envelopes gamit ang imahe atdisensyong1,000-piso New Generation Currency banknote.
Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na alinsunod sa kanilang Circular No. 829, series of 2014, ang pagre-reproduce ng mga imahe ng anumang Philippine currency banknotes, o anumang bahagi nito, maging black and white o may kulay ito o kumbinasyon ng mga kulay, nang walang pahintulot mula sa kanilang tanggapan, ay may katapat na parusang pagkabilanggo ng mula lima hanggang 10 taon.
“The public may be allowed to reproduce images of Philippine banknotes if authorization or approval from the BSP has been secured for educational, historical, numismatic, newsworthy, or other relevant purposes that will maintain, promote, or enhance the integrity and dignity of the Philippine currency," paliwanag pa ng BSP.
Mary Ann Santiago