Binigyang-buhay nina Miss Universe Philippines candidate Ayn Bernos at Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang dalawang miyembro ng 'La Familia Madrigal' mula sa Disney animated film na "Encanto."

Sa social media platforms ni Bernos, ipinakita nito na nagbihis "Isabel Madrigal" siya sa kanyang purple dress at bulaklak sa tenga.

Inilabas niya ito noong Enero 8 matapos mag-request ang kanyang taga-hanga.

“Happy New Year po! Ate Ayn, I feel like you can cosplay as Isabela Madrigal from Disney ‘Encanto,’” request ng isang fan ni Bernos.

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

"Did somebody call… Señorita Perfecta, Golden Child, panganay na perfectionist na maraming issues?? #Encanto #IsabelaMadrigal," sagot ni Bernos matapos magbihis bilang si Isabel.

Sa Instagram story naman ni Diaz, tinapatan nito ang lakas ng charisma ng character ni Luisa Madrigal matapos sabihin ng fans na kayang mag-ala-luisa si Diaz.

"Trinatry ko maging luisa madrigal kasi sabi niyo ako yun, kaso waley di pasok make up hair and outfit ko," caption ni Diaz sa kanyang Ig story.

"Same same but different," dagdag pa niya.

Samantala, wagi naman sa 79th Golden Globe Awards night ang Disney Encanto para sa Best Motion Picture - Animation na ginanap noong Enero 9, 2022.