Nahaharap ngayon sa paratang ang isang Tiktoker matapos umano’y magawa pang mag-mall kasama ang jowa kahit na siya’y aktibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Viral ngayon sa video sharing platform na Tiktok ang isang anonymous account kung saan pinaparatangan ang isang Alex Manuel matapos ibuking umano nito ang sarili sa isang bidyo.

Sa burado nang Tiktok video ni Manuel, makikitang kasama niya ang kaniya umanong boyfriend habang sinasayaw ang isang Tiktok dance craze. Wala ring suot na face mask ang lalaki sa bidyo.

Paratang ng anonymous account, namataan umano nito ang Tiktok video creator sa isang mall sa kabila ng pagiging aktibong carrier ng COVID-19.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

“Covid positive si girl and decides to go out publicly and hang with her jowa. What’s worse Gwenyth Chua or yung haters niya pero nag-spreasd din,” mababasa sa Tiktok video ng nagpaparatang na netizen.

Hindi naman nito mabanggit ang ilan pang detalye kagaya ng kung saang mall o anong araw nito nakita ang Tiktok personality.

Depensa naman ni Manuel, draft lang naman umano ang video at walang katotohanan na siya’y lumabas habang posibleng makahawa ng virus.

Gayunpaman, burado na ang bidyo ni Manuel.

Sa pag-uulat, nasa 3.6 million views na ang nasabing accusation Tiktok video ng isang anonymous user siyam na oras mula nang ito'y isapubliko.