Pinag-uusapan at trending sa social media lalo na sa Twitter ang digital series ni Angelica Panganiban na 'The Kangks Show' sa direksyon ni Antoinette Jadaone, ang direktor ng 2014 hit movie ni Angge na 'That Thing Called Tadhana' katambal si JM De Guzman.

Mula mismo sa opisyal na Facebook page ng co-producer nito na 'Project 8 corner San Joaquin Projects', sinabi nila na number 1 sa video streaming platform na WeTV Philippines ang naturang digital series at number 5 naman sa We TV US.

"WE DID IT, MGA LODS."

"TheKangksShow is now #1 on @wetvphilippines WeTV Hot and #5 on WeTV US!!! THANK YOU VERY MUCH!!!" ayon sa kanilang caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Applauded as usual ang performance ni Angge bilang 'Dra. Kara Teo,' isang sex expert/host na nagbibigay ng mga sagot sa mga tanong at mga usaping sekswal sa professional perspective.

Matatandaang naging trending pa ang podcast interview niya kay Direk Tonette matapos niyang isiwalat ang naging karanasan niya sa ka-Tinder date niya sa ibang bansa. Nagulat daw siya sa nakita niyang malaking nota. Daks kung daks daw talaga!

Marami naman ang natuwa sa plot ng kuwento na isinulat mismo ni Direk Tonette. Aniya sa isang panayam, hindi niya gagawin ang proyektong ito kung hindi rin lang si Angelica Panganiban ang gagawa, kaya napapayag na rin si Angge na kamakailan lamang ay nag-anunsyong magreretiro na sa paggawa ng teleserye.

Hinangaan at pinapalakpakan din ang pagganap dito ni Maris Racal bilang si 'Cassandra,' ang Gen Z social media influencer na nagbibigay ng payo para sa mga usaping sekswal.

Ang maganda sa WeTV ay libre itong mapapanood online.