Kinakiligan ng mga netizen ang regalong Rolex watch ni Kapamilya star Gerald Anderson para sa kaniyang jowang si Julia Barretto, bilang pamasko niya.

Magkasamang ipinagdiwang ng mag-jowa ang Christmas eve sa bahay ng nanay ni Julia na si Marjorie Barretto, na mapapanood sa YouTube channel ni Marjorie noong Enero 9, 2022.

'Shookt' naman si Julia sa regalo ni Gerald sa kaniya, kaya napayakap siya rito matapos matanggap ang mamahaling relo. Kaagad namang isinuot ni Julia ang relo, dahil first time daw niyang magkaroon nito.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Julia Barretto at Gerald Anderson (Screengrab mula sa YT/Marjorie Barretto)

Talaga namang kitang-kita ang pakikipag-bonding ni Gerald sa pamilya ng kaniyang gf.

Sa kabilang banda, may mensahe naman si Julia para sa kaniyang inang si Marjorie.

“You’re still life’s greatest gift of all — my best friend, my number one, my home. I will forever find comfort in your arms. Even when I’m 75, I will still need you most. I love you more than you can ever imagine."

Noong Disyembre 31 naman ay magkasama ang mag-jowa sa isang resort, batay sa kanilang Instagram posts.

Matatandaang noong Marso 2021 ay tuluyan nang inamin ni Gerald na magkasintahan na sila ni Julia, sa isang tell-all interview kay King of Talk Boy Abunda.