Tinupad ng Kapamilya actor na si Albie Casiño ang pangako niyang 'sisig date' sa kaniyang naging kapwa housemate sa Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10 Celebrity Edition na si Shanaia Gomez.

Matatandaang sinabi ni Shanaia na noong una raw niyang natikman ang sisig, isa sa mga paboritong ulam at pampulutan ng mga Pilipino, ay hindi raw siya nasarapan.

Kaya pramis ni Albie, ipapatikim niya ulit kay Shanaia ang yummy sisig para nang sa gayon ay magbago ang isip ng dalaga sa lasa ng sisig, na dulot ng una niyang natikman.

"As a friend, feel ko obligation ko ipa-try sa kaniya yung masarap na sisig. Kasi napakalungkot naman ng buhay mo kung puro pangit lang na sisig yung natitikman mo," sabi ni Albie, kaya sa 'PBB Kumulitan' ay kumasa si Shanaia sa hamon ni Albie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Yeah, of course, but I don’t think I’ll like it but, yeah, I mean, I will take your word. We’ll see, we’ll see. I don’t like kasi the feeling of the sisig. I don’t know why, the texture is kinda weird,” sabi ni Shanaia.

At natupad na nga ang kanilang sisig date. Ano kaya ang reaksyon ni Shanaia sa ipinatikim na sisig ni Albie?

"It’s good, I actually liked it! I can survive the texture of this one because at least it’s not… I’ve tasted other ones, parang it’s like chewing gum, like super chewy," aniya.

Sa isang episode naman ng 'Star Magic Inside News,' inamin ni Albie na talagang nagagandahan siya kay Shanaia.

“She’s a pretty girl naman. Attracted ako sa kaniya. Nagulat lang ako, at my age, hindi na big deal ang crush. My friends are getting married. They’re having kids na," sey ni Albie.

“Sa mga nakikita ko, masyado pa siyang bata. To be honest, it’s kinda weird. I don’t want to feel her pressured na she has to like me because of the fans,” dagdag pa.

Sa ngayon daw ay showbiz career muna ang aatupagin ni Albie, na mas minahal ng kaniyang mga tagahanga at nadagdagan pa, simula nang lumabas siya sa Bahay ni Kuya.