Mahigit 50 porsiyento ng mga guro sa National Capital Region (NCR) ang nakararanas ng mga sintomas ng trangkaso sa gitna ng pinakamalalang coronavirus (COVID-19) surge sa bansa, sinabi ng isang grupo ng mga education worker nitong Martes, Ene. 11.

Ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, sa pamamagitan ng NCR chapter nito, ay nagsagawa ng quick survey noong Enero 10 kung saan ipinakita na 55.1 porsyento ng mga guro-respondent sa rehiyon ang nakararanas ng sintomas ng trangkaso sa gitna ng muling COVID-19 outbreak sa bansa.

Larawan mula Unsplash

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Sa parehong araw na naitala ng Department of Health (DOH) ang pinakamataas na arawang bilang ng mga bagong impeksyon sa 33,169, ang ACT – NCR Union ay nag-survey sa kabuuang 7,448 mga guro sa pampublikong paaralan upang tipunin ang kanilang kasalukuyang health condition.

Ayon sa grupo, ang pinakabagong sintomas na nararanasan ng mga tumugon na guro, ay sipon (46.6 porsiyento) at ubo (44.5 porsiyento).

Sa parehong survey, nalaman ng ACT na 84.7 porsyento ng mga respondente ang patuloy na nagtuturo at nagsasagawa ng iba pang mga gawain sa paaralan "sa kabila ng may sakit.

“However, teachers have been reporting that class participation is dropping due to many students also having the flu,” sabi ng ACT.

Dahil dito, inulit ng ACT ang panawagan nito sa Department of Education (DepEd) na magsagawa ng dalawang linggong health break sa Level 3 na mga lugar. Ang panahong ito, sabi ng grupo, ay katulad ng bilang ng mga araw ng quarantine na kinakailangan para sa mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19.

Samantala, ang parehong survey ay nagpakita rin na 76.2 porsiyento ng mga respondente ay "hindi nakatanggap ng medikal na suporta, anumang pahinga sa trabaho, o pinansiyal na tulong."

Sa kabila ng mataas na bilang ng mga tumutugon na may mga sintomas na naaayon sa kung ano ang mayroon ang mga pasyenteng positibo sa COVID-19, ang survey ay nagsiwalat na isang nakakagulat na 96.6 na porsyento ay kasalukuyang hindi nagtataglay ng isang positive test result.

Iniuugnay ito ng ACT sa isang "kakulangan ng access sa testing" at ang mababang testing capacity ng gobyerno. “

At the risk of sounding like a broken record, we reiterate the need for the government to conduct free mass testing which should give us a better picture of the health situation we’re dealing with,” sabi ni ACT Secretary-General Raymond Basilio.

Gayundin, hinimok ng grupo ang gobyerno na palakasin ang kanilang programa sa pagbabakuna. Ito, sinabi ng ACT, ay dapat magsama ng isang napakalaking informaftion drive upang matugunan ang pag-aalangan sa bakuna.

“And finally, amid the crises, we call on the national government to provide sufficient aid to the public, especially with the yet again overly restrictive lockdowns,” sabi ng ACT.

Binanggit din ni Basilio na dapat ihinto ng gobyerno ang pag-asa sa isang “largely militaristic” na diskarte sa pandemya na hindi umubra sa nakalipas na dalawang taon.

“It will not work now, we need medical and socio-economic responses,” dagdag niya.

Merlinda Hernando-Malipot