Viral ngayon sa social media ang biglang pagpapatigil ni 'It's Showtime' host Vice Ganda sa pagsayaw ng isang contestant sa pinakabagong segment ng noontime show: ang 'Showtime Sexy Babe.'

Upang maipamalas ang kaniyang talento sa pagsayaw, makikitang todo-hataw ang babaeng contestant sa saliw ng awiting 'Bad Romance' ni Lady Gaga habang nakabikini.

Maya-maya ay itinodo nito ang pagbayo sa kaniyang may kalakihang dibdib kaya agad na lumapit si Vice Ganda upang pahintuin ito.

"Ate, ate, wait lang ate…" sansala ni Vice.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

"Puwede bang mag-drawing ka na lang? Ok ka naman do'n? Ok ka ba ro'n?" dagdag pa ng natatawang TV host. Mukhang natawa rin naman ang contestant at hindi na-offend sa ginawa ni Vice.

Screengrab mula sa Tiktok/YT/Kapamilya Online Live

Ginawa ni Vice ang maagap na pagpapahinto sa contestant dahil sila ay napapanood sa noontime at baka matawag ang atensyon nila ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Isa pa, napapanood ang 'It's Showtime' sa A2Z Channel 11, na isang religious channel, na pagmamay-ari ni Bro. Eddie Villanueva ng 'Jesus Is Lord' Church (JIL).

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizen:

"Daming tawa, si ate naman eh noontime show yan eh."

"Nakalimutan ni ate na noontime show yung sinalihan niya."

"Kaloka si ate, wala na nga franchise mapapasuspende pa ang Showtime."

"I think napa-comment lang si Vice nang ganyan kasi natatakot siya baka magka-anomalya sa suot niya dahil sa step niya. Pati nga ako kinabahan."

"Tawang-tawa ko potek!! Mag-drowing na lang daw."