Itinampok ng Kapamilya actor na si Enchong Dee ang kaniyang bayang kinalakihan---ang Naga City sa kaniyang vlog, na muli niyang binalikan noong holiday season.

Aniya, doon nagsimula ang kaniyang mga pangarap.

Enchong Dee (Screengrab mula sa YT)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Balik-probinsya tour. Dadalhin ko kayo sa dati kong High School, OG na mga kainan na hilig namin, Bicol Express, Sinantulan, yung dati naming nag-iisang mall, ang famous Basilica church kung saan matatagpuan si #Peñafrancia at ang Christmas gift ko kay Lolo James hehehehe," paanyaya ni Enchong sa kaniyang IG post, na makikita rin sa caption ng kaniyang vlog.

Medyo nalungkot lang si Enchong nang makita ang dating kinalakhang bahay dahil iba na ang hitsura nito ngayon, bagama't masaya pa rin dahil may ilang mga bahagi nito na naipanatili pa.

Ipinakita rin niya ang dating paaralan kung saan siya nagtapos ng high school.

Bukod sa binisita niya ang mga lugar na dati niyang tinatambayan, ipinakilala rin niya ang ilang signature dishes na maipagmamalaki sa mga turista, gaya ng Bicol Express, sinantolan, kinunot, gata at stingray, at kinalasan.

Ipinakita rin niya ang dating pool area kung saan ginaganap ang madalas niyang pagsasanay bilang manlalangoy, bago niya pasukin ang showbiz at mag-artista.

“It’s a weird feeling. It’s a happy but a bit sad feeling na wala na siyang tubig but I’m here — a lot of things flashing back, a lot of childhood memories replaying in my mind right now. Masaya pero how I wish it’s as healthy as before when I was still swimming here," sey ni Enchong.

"It’s so surreal, nandito na ako ulit. I’m so happy. Dito nagsimula lahat, lahat ng pangarap,” saad pa ng aktor.

Bago nito, naging usap-usapan ng mga netizen ang kaniyang hip-hop dance video sa pagpasok ng Bagong Taon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/06/enchong-dee-ibinahagi-ang-hip-hop-dance-video-tikom-pa-rin-sa-cyber-libel-case/">https://balita.net.ph/2022/01/06/enchong-dee-ibinahagi-ang-hip-hop-dance-video-tikom-pa-rin-sa-cyber-libel-case/

Hanggang ngayon ay wala pang pahayag o tahimik pa si Enchong hinggil sa cyber libel case na inihain sa kaniya ni DUMPER party-list representative Claudine Bautista-Lim, na inaprubahan na umano sa prosecutors' office sa Davao.

Kamakailan lamang ay nag-host pa siya ng ASAP Natin 'To at Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 celebrity at adult edition.