Number #2 trending sa YouTube channel ang 'Dra. Belo House Raid: DIRTY SECRETS Reveal' na vlog ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda, na napanood nitong Enero 6, 2022 na may 2,195,816 views as of this writing.

Dra. Vicki Belo at Vice Ganda (Screengrab mula sa YT)

Sa pangangalkal ni VG sa mga gamit sa kuwarto ng celebrity doctor ay nakakita siya ng isang kahon ng katol o mosquito coil.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

"Marunong ka bang gumamit nito?” tanong ni Vice kay Dra. Belo. Ang mga katol na iyon ay inilagay ng kaniyang team sa loob ng kuwarto bilang prank.

"Katol? Ay!! Hindi amin 'yan ah, hindi kami nagkakatol eversince," saad naman ni Belo. Kaya naman hirap na hirap siyang kalasin ito nang ipatanggal sa kaniya ng komedyante.

Napaghiwalay naman ito ni Dra. Belo nang hindi nababalian, kaya ang sumunod na hamon sa kaniya ni Vice ay kung paano ito sisindihan at ilalagay sa stand.

Kaaliw-aliw naman ang doktora sa kaniyang hitsura dahil halatang hindi niya talaga alam kung paano gamitin ito at isuot sa stand.

"Kahit doktor sila may mga bagay na mas matalino tayo sa kanila," birong sabi ni Vice.

Nagpalakpakan naman ang mga kasama ni Dra. Belo sa bahay nang matapos ng doktora ang challenge. Masayang-masaya rin si Vice. Nagpasalamat pa ang celebrity doctor kay Vice na nagbigay umano sa kaniya ng panibagong life skills.

Bukod sa katol, nakakita rin si Vice ng gamit na maruming brief sa kama ng doktora at isang maruming bentilador o electric fan.

Paliwanag ni Dra, Belo, ang ipinakita niyang bahay kay Vice ay tinatawag nilang 'stage house' kung saan ginaya nila sina Kim Kardashian, na ang ipinakikitang bahay ay 'for the public eyes' ngunit may pribado silang bahay na doon talaga sila nakatira. Para umano ito sa kanilang seguridad, paliwanag ng celebrity doctor.

Mukhang natuwa naman ang mga netizen sa kanilang vlog kaya humirit sila na sana raw ay more collabs pa ang gawin nina Vice at Dra. Belo. Sana raw ay isama sina Doc. Hayden Kho at anak nilang si Scarlet Snow.