CAGAYAN - Muli na namang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano nitong Sabado, Enero 8.
Ito ang kinumpirma ng alkalde sa kanyang Facebook post. "At sa kasamaang palad ay positive po muli ang inyong lingkod sa COVID-19,“ pahayag nito.
Katulad din aniya ngdati ayasymptomatic din ito, pati na rin ang mga kasamahan sa bahay.
Noong Enero 2021, naiulat na tinamaan din ng COVID-19 si Soriano, gayunman, nakarekober ito sa sakit.
Kaagad din siyang humingi ng dispensa sa kanyang mga nakasama sa mga nakalipas na araw at pinakiusapan ang mga ito na mag-isolate laban sa virus.
Nanawagan din siya sa mga ito na sumailalim din Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.
Liezle Basa Iñigo