Ipinagdiwang ni Megastar Sharon Cuneta ang kaniyang ika-56 taong kaarawan nitong Enero 6, 2022.
Batay sa kaniyang Instagram post nitong Enero 7, marami ang nagpaabot ng pagbati at regalo kay Shawie, lalo na ang kaniyang kaibigan sa showbiz at ang mga tagahangang tinatawag na 'Sharonians'.
Inilakip ni Mega sa kaniyang IG post ang collage ng kaniyang mga litrato noon hanggang ngayon, na ginawa ng isang entertainment site para sa kaniya.
"Yup - these all me! Thank you so very much to all of you who sent me gifts (though totally unnecessary, truly much appreciated!), cards, text messages to wish me a Happy Birthday today!" aniya.
Kaya naman humingi siya ng paumanhin dahil hindi na niya kaya umanong i-post sa dami ang mga natanggap na token of appreciations para sa kaniyang kaarawan.
"So sorry po - di ko na kayang i-post isa-isa sa dami! But am thankful to God Almighty for all of you! You are in my heart. I love you all so much, family, friends, and Sharonians/Sharmy!!! So blessed to have you all in my life."
Narito naman ang ilan sa komento at pagbati ng mga netizen para sa birthday celebrator:
"We love you our ONE and ONLY Megastar. Choosing you to be both an idol and inspiration since then has been and will always been the best decision I have ever made as a teen and now in my golden age. And am not alone. Happy Birthday po."
"You are a gift, a very precious one! We love you so much @reallysharoncuneta ! Praying for many more birthdays."
"Happy birthday po Ate Shawie! We are glad to see you in FPJ's Ang probinsyano. God bless po always!"
Sa isang TikTok video, ikinatuwa ng mga tagahanga ni Shawie ang pag-awit nina John Arcilla at Tirso Cruz III ng 'Bituing Walang Ningning,: ang hit song ng Megastar, habang nagte-taping sa serye nilang 'FPJ's Ang Probinsyano.'
Ibinahagi rin niya ang video nila ng aktres na si Ara Mina gayundin ang throwback photos nila ni Lorna Tolentino, na pawang mga kasamahan din niya sa longest action-drama series ng bansa.