Hindi direktang inamin ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual kung ano ba talaga ang namamagitan sa pagitan nila ng Kapamilya actress na si Shaina Magdayao, subalit ang makahulugang pahayag niya ay nag-iwan naman ng tila kasagutan.

"What you see is what you get," sagot ni Piolo sa panayam ng TV Patrol sa kaniya, ukol sa viral photo nila ni Shaina habang magkasama sa isang beach escapade sa Bohol noong Oktubre 2021, kasama pa ang love birds na sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago. Hindi naman nalinaw kung talaga bang magkakasama sila sa trip o nagkataon lang na nagkita-kita sa parehong lugar, at nagpakuha ng litrato together.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/19/limang-taong-exclusively-dating-nina-piolo-at-shaina-nauwi-na-ba-sa-espesyal-na-ugnayan/

Kaya ang basa ng mga netizen, ito raw ay double date ng mga love birds.

Anak nina Manny at Jinkee, mag-aaral na sa London; nagkaiyakan sa airport

Piolo Pascual breaks silence on real score between him and Shaina Magdayao  – Manila Bulletin
Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Raymart Santiago, at Jodi Sta. Maria (Larawan mula sa Manila Bulletin)

May isa pang litrato na nasa yate sina Piolo at Shaina kung saan nakahiga si Piolo sa hita ng aktres habang nakasandig naman sa dibdib ng aktor si Shaina.

Matagal na ring nauugnay sa isa't isa sina Piolo at Shaina subalit wala silang direktang pag-amin kung sila na ba talaga.

Matatandaang noong 2017, inamin ni Piolo noon na exclusively dating na sila ni Shaina.

Kung sakaling totoo man na may relasyon na sila more than dating, wala namang masama dahil pareho naman silang single.