Matapos ang kaniyang journey bilang housemate sa 'Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10 Celebrity Edition, balik-online live selling na ulit ang 'Mama-Benta ng Cavite' na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz, na kapansin-pansin ang freshness sa bago niyang hairstyle.

Ayon sa latest live online selling ni Madam Inutz na mas dumami ang mga 'tambay' sa kaniyang page, hindi pa rin niya ihihinto ang pagtitinda dahil doon naman talaga siya nakilala, subalit mas asahan pa ng mga tagahanga at tagasubaybay niya o tinatawag niyang 'Ka-Inutil' ang sunod-sunod na proyekto sa kaniya sa Kapamilya Network.

Bukod sa mga guestings sa 'ASAP Natin 'To' at 'Magandang Buhay', sinabi niya na makakasama na siya sa lock-in taping sa proyektong pagbibidahan nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban, sa direksyon ni Direk Cathy Garcia Molina.

"I-open ko lang sa inyo, bago ako mag-live selling, ano nga ba ang magaganap at aabangan kay Madam Inutz?" aniya nitong Enero 7, 2022.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Naku, may upcoming project ako, may lock-in taping ako kasama si Papa Piolo Pascual! At saka si Angelica Panganiban! Oh my God! At Pepe Herrera, directed by Ctahy Molina… Direk! So excited to work with you, sana hindi ako matakot! Kinakabahan ako, Diyos ko, eh pinakamatapang na direk 'yan," sey pa ni Madam Inutz.

Bukod doon, mukhang may ilalabas din silang panibagong novelty songs. Pinasalamatan niya ang mga songwriter at sound engineer na nasa likod ng pagbuo ng kaniyang mga awitin, lalo na ang kaniyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Nakasama si Madam Inutz sa Final Five ng PBB: Kumunity Season 10 Celebrity Edition, kung saan ang itinanghal na Top 2 ay sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

Isa sa mga pinag-usapan habang nasa loob ng Bahay ni Kuya si Madam Inutz ay ang nominasyon niya sa ex-housemate na si Chie Filomeno kung saan sinabi niya na puro ganda lamang ito at wala namang ambag.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/15/madam-inutz-2-points-kay-chie-kasi-wala-naman-siyang-maiambag-kundi-pagpapaganda/

Bukod doon, sinabihan din silang 'Marites' ni Brenda Mage dahil sa pag-uusap nila hinggil sa iba pang mga kapwa housemates gaya ni Alexa Ilacad.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/11/madam-inutz-nanggigil-sa-sinabi-ng-netizen-na-siya-ay-isang-marites-sa-loob-ng-pbb-house/