Masarap sa pakiramdam para sa isang anak na darating ang panahong siya naman ang bahalang manlibre sa kaniyang mga magulang, dahil kumikita na sila o naabot na nila ang kanilang mga pangarap. O kaya naman, nakapagreregalo na siya ng mga bagay na sa palagay niya ay makapagpapasaya sa kanila, o kahit simpleng pasalubong sa tuwing uuwi sa bahay mula sa trabaho.

Kaya naman, may paalala para sa lahat ng magulang ang government employee na si Alex Diaz Tatoy, 26 anyos, mula sa North Caloocan. Viral ang kaniyang Facebook post nitong Enero 2, 2022 kung saan inilabas niya ang saloobin sa mga magulang na nagsasabing 'Perahin mo na lang' sa mga anak na nagsisikap na mailibre sila sa labas o kaya naman ay may pasalubong o regalo sa kanila.

Screengrab mula sa FB/Alex Tatoy

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

"Sa mga parents po, kapag ililibre sa labas or idi-date po tayo ng mga anak natin lalo’t galing sa pinaghirapan nilang trabaho, ‘wag naman po nating sabihing, 'Perahin mo na lang!" panimula ni Tatoy.

"Masakit po ‘yan. Sa hirap ng buhay, minsan gusto po tayong i-treat ng mga anak natin by eating something new and sumptuous. Sobrang aware po ang mga anak natin na kailangan n’yo rin po ng pera, pero kapag naglalambing na ilibre kayo ng anak n’yo, ‘wag n’yo namang i-turn down by saying, 'Gastos lang ‘yan, perahin mo na lang.'"

"Hindi po natin ikina-praktikal o ikina-simple every time na pinipili natin ang pera over bonding kasama ang anak. Again, alam po ng anak kung may sobra sa budget kaya malakas ang loob mag-aya. At hindi naman madalas tayong inaaya na kumain sa labas. Malay n’yo bibigyan pala kayo ng pera kapag nasa mall na kayo." pahayag pa ni Tatoy.

Sana raw ay mabago ang mindset na ang tanging kailangan lamang sa mundo ay pera.

"Tanggalin po natin ang pang-mahirap na mindset na parang ang kailangan lang natin sa mundo ay pera, na para bang hindi tayo makagalaw kung walang pera. Importante po ang pera, pero maraming mas mahalagang bagay over it."

"So, next time, kapag inaya po tayo ng mga anak natin to eat outside, ngumiti po tayo at um-oo. Grabeng stress po ang tinitiis ng iba nating mga anak sa trabaho para lang mailibre tayo."

Hindi naman nabanggit ng netizen kung personal ba niya itong naranasan o batay sa karanasan ng iba.

Umani ng 26K reactions at 16K shares ang naturang viral Facebook post.