Bad news sa mga motorista.

Asahan muli ang napipintong pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes.

Sa pagtaya ng industriya ng langis,posibleng tataas ng P0.95 hanggang P1.05 sa presyo ng kada litro ng diesel, P0.80-P0.90 sa presyo ng kerosene at P0.75-P0.90 ang marahil na ipapatong sa presyo ng gasolina.

Ang nagbabadyang price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Noong Enero 4, nagpatupad ng big-tim oil price hike ang mga kumpanya ng  P2.40 sa diesel at P1.85 naman sa gasolina at kerosene.

Ang dagdag-presyo sa kerosene ay hindi ipinatupad sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.

Bella Gamotea