Hindi makapaniwala ang Kapuso actress na si LJ Reyes na kaybilis lumaki ng kaniyang baby girl na si Summer, batay sa kaniyang mensahe para sa 3rd birthday ng anak.

Matapos ang pagdiriwang nila ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon habang nasa Amerika, kaarawan naman ni Summer ang ipinagdiwang nila nitong Martes, Enero 4.

Summer (Screengrab mula sa IG/LJ Reyes)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"I wanna say 'I can’t believe you’re 3!' but it has always felt like you’re much older than you actually are!," panimula ni LJ sa kaniyang Instagram post.

Para kay LJ, isang anghel na ipinadala ng Diyos mula sa langit si Summer, na siyang nagdadala ng kasiyahan sa kanilang pamilya.

"You are a God-sent angel who never fails to brighten up our day with your non-stop talking and singing, and dancing too! Thank you for bringing so much joy in my life! I am so grateful to be your mother! Continue making pa-cute to mommy kasi kilig na kilig ako."

"I love you sooooo much my love Summer! Happiest birthday!!!"

Si Summer ay anak ni LJ Reyes sa longtime partner na si Paolo Contis, na nakahiwalayan na niya nitong 2021, at isa sa mga kontrobersyal at pinag-usapang showbiz celebrity breakup ng taon.

Ang panganay na anak ni LJ na si Ethan Akio o 'Aki' ay anak nila ng dating boyfriend na si Paulo Avelino.

Hindi naman nabanggit ni LJ kung nagpaabot din pa ng pagbati si Paolo para sa anak. Sa social media account naman ang aktor, wala itong birthdfay post para kay Summer.