May simple ngunit makahulugang birthday message si KC Concepcion sa kaniyang inang si Megastar Sharon Cuneta, na nagdiwang ng ika-56 taong kaarawan noong Enero 6, 2022.

Tinawag ni KC na unang best friend, unang valentine, at only mama ang kaniyang inang Megastar.

"January 6th has always been a special day. Happy birthday to the Queen! My first best friend, my first valentine, my only mama," pajhayag ni KC.

"May your day be filled with joy, laughter and love. I love you always, and no matter what."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kalakip nito ang throwback photo nilang mag-ina, noong bata pa si KC.

KC Concepcion at Sharon Cuneta (Larawan mula sa IG/KC Concepcion)

Naka-turn off naman ang comment section ng IG post na ito, subalit ang likes ay umabot na sa halos 27,300.

Matatandaang naging usap-usapan ng mga Marites kung maayos ba ang relasyon ng mag-ina dahil hindi man lamang umano dinalaw ni Shawie si KC habang nasa Amerika, nang dalawin naman nito ang anak na si Kakie Pangilinan habang nasa New York City.

Ngunit pinabulaanan naman ito ni Sharon at sinabi niya na maayos naman daw sila ni KC.

"You obviously know nothing about us and because I am their mother, you cannot expect me to talk badly about any of my children. Remember, we are all human beings, we all can be hurt by those we love. And generally speaking, kahit 100 na tao ang mahal mo, doon ka mapapalapit sa sobrang nagmamahal at rumerespeto sa 'yo." barda ni Shawie sa isang netizen.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/06/megastar-nakipagbardagulan-sa-netizen-dedma-at-wala-raw-siyang-pakialam-kay-kc/">https://balita.net.ph/2021/10/06/megastar-nakipagbardagulan-sa-netizen-dedma-at-wala-raw-siyang-pakialam-kay-kc/

Nag-iwan din si KC ng sweet birthday message para naman sa kaniyang tatay na si Gabby Concepcion para sa 5th birthday nito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/06/kc-sa-57th-b-day-ng-amang-si-gabby-thank-you-for-still-making-me-feel-like-your-baby-girl/

Si KC ang panganay na anak ni Sharon sa dating mister na si Gabby Concepcion.