Usap-usapan ngayon ang umano'y pagre-react ni Daniel Padilla sa isang news site kung saan ibinalita ang tungkol sa reaksyon umano ni Kathryn Bernardo sa pagkaka-link ng boyfriend sa Kapamilya actress na si Barbie Imperial, batay sa cryptic pasabog ng 'Pambansang Lalaking Maritess' na si Xian Gaza.

Matatandaang nitong Enero 7 ay nagsunod-sunod na naman ang mga cryptic Facebook post ni Xian, na para bang may nais siyang ipahiwatig sa pagitan nina Barbie Imperial at Daniel Padilla. Na-mention pa niya ang momshie ni DJ na si Karla Estrada at direktang tinanong ito kung ano ang ginagawa umano ni Barbie sa kanilang bahay at kung may namamagitan ba kina Barbie at DJ.

Galit na galit naman ang KathNiel fans at naging trending pa sa Twitter ang hashtag #HuwagAngKathNiel kung saan dinepensahan nila ang kanilang idolo. Matatag umano ang kanilang relasyon at walang batayan ang mga pinagsasasabi ni Xian.

Pinag-usapan din ang umano'y reaksyon mismo ni Daniel, ayon sa kumakalat na screengrab ng pagtawag niya ng 'nonsense' tungkol sa isyu, at huwag na lamang itong pansinin.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

At nito ngang Enero 8 ay kumalat pa ang isang screengrab kung saan nag-react at nagkomento ang aktor sa isang news site kung saan sinabi niya na 'nonsense' at 'irrelevant' ang isyung ito.

"Cheating Speculation? Na nanggaling lang sa salita ng isang tao na walang magawa? (Pangalan ng news site/diyaryo) Please. This is nonsense and irrelevant," mababasa sa screengrab ng komento umano ni DJ na makikita naman sa IG story ng IG niyang 'Daniel Ford.'

Screengrab mula sa IG/Daniel Padilla via Fashion Pulis

Mababasa sa artikulo ang komentong 'Alagang Ford po ako' ni Kathryn Bernardo, sa pag-tag sa kaniya ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa sa Twitter.

Screengrab mula sa Twitter/MJ Lastimosa

Samantala, patuloy namang nagpo-post si Xian gaza sa kaniyang Facebook account hinggil dito.

"MORAL OF THE STORY: Huwag na huwag mong hahayaang masilip ng ibang tao yung phone screen mo dahil yung mababasa nilang private message dito ay maaaring mai-chika sa iba tapos pasa-pasa na hanggang makarating kay XIAN GAZA," saad niya sa isang FB post nitong Enero 7.

Sa isa pang FB post, tila nilektyuran pa ni Xian si Barbie kung paano mag-handle ng intriga.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

"Last November, galit na galit si Barbie Imperial kay AJ Raval dahil hindi 'to nagbigay ng opposing statement tungkol sa tsismis na ipinamalita ko about sa past nila ni Diego Loyzaga. Six weeks later, si Barbie naman ang nasangkot sa issue ng KathNiel. Pinili niyang manahimik at huwag magsalita. At least alam na ni Barbie ngayon kung ano yung sitwasyon ni AJ last time."

"Hindi mo talaga lubusang mauunawaan ang isang bagay hangga't hindi mo 'to nararanasan first hand. Kitang-kita din nating lahat kung paano ako hinandle ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla in a very professional manner, kabaligtaran ng pag-handle sa akin ni Barbie. Ang tanong ng bayan ngayon, ano yung nasilip na message sa phone ni Barbie? Ito ba ay galing kay DJ?"

At panghuli naman, ibinahagi niya ang isang video kung saan makikitang nagpapamasahe siya, sa kabila ng katakot-takot na bash na natanggap mula sa milyong KathNiel fans.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Samantala, wala pang pahayag ukol dito ang idinawit niya sa isyu na si Barbie Imperial.