Muli na namang napagdiskitahan ni Miss Universe 2014 Top 10 finisher Mary Jean Lastimosa ang kanyang iconic long gown at national costume.

Matapos ang kanyang kompetisyon noong 2014, hindi na namatay nang tuluyan at sa katunayan ay lalo pang naging laman ng memes ang sinuot na puting gown at ang bulaklaking national costume na sinuot ni Mary Jean.

Upang batiin sa kanyang ika-28 na kaarawan si Miss Universe 2018 Catriona Gray nitong Huwebes, Enero 6, isang nakakaaliw na tweet ang sinabi ng beauty queen.

“Kabog ang natcos (national costume) ko pambertday, ang gown ko pang kasal. San ka pa?” nakakaaliw na sabi ni Mary Jean.

Pelikula

Vice Ganda, sumawsaw sa iringan ni Carlos Yulo at pamilya?

Screengrab mula sa Twitter

Kamakailan ay ginawan pa ng ng isang nakakatawang video ang kanyang national costume habang iniuugnay sa isang brand ng isang sabon.

Game na game naman itong tinatawan lang ni Mary Jean at ibinabahagi pa sa kanyang social media accounts.