Sa kabila ng kanyang bihirang kondisyon, ang pagkakaroon ng congenital anosmia o habambuhay na walang pang-amoy, conscious pa rin ang young actress na si Andrea Brillantes.

Sa katunayan, bilang aktres, kasama sa iniisip ni Andrea ang mga tao sa kanyang paligid kaya't hilig pa rin niyang mangolekta ng perfume products.

"Ipinanganak akong walang sense of smell, pero siyempre concerned pa rin ako sa maaamoy sa'kin ng mga tao bilang isang artista," pagbabahagi niya sa isang vlog sa kanyang Youtube channel.

Basahin: Andrea Brillantes, ipinanganak na may anong bihirang kondisyon? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Una nang komportable ang aktres sa kanyang kondisyon sa ilang mga panayam. Noong 2020 sa isang panayam ng isang Youtube showbiz channel, diretsahang ikinuwento ni Andrea ang kanyang rare condition.

“Pinanganak po akong walang sense of smell. Meron po akong congenital anosmia,” ani Andrea.

Ayon sa isanghealth website,ang “congenitalanosmiais a condition in which people are born with a lifelong inability to smell.”

Maaari itong hiwalay na abnormalidad o may kaugnayan sa isang partikular na genetic disorder katulad ng “Kallmann syndromeocongenital insensitivity to pain.

Aniya pa, “Meron akong desire na amoy. Actually yung naaamoy ko lang talaga is alcohol, yung rubbing alcohol. Dapat one hundred percent. Di ko nga alam kung amoy ba siya or parang feeling lang na ang anghang niya sa ilong.”

Ang kondisyon ni Andrea ay bihira sa mundo ng science and health. Sa katunayan, ang madalas na kaso nito’y hindi pa namana o walang trace sa kasaysayan ng isang pamilya.

Suspetsa ng mga eksperto, ang congenital anosmia ay nakuha dahil sa abnormal na development ng olfactory system bago maipanganak ang isang sanggol. Gayunpaman, wala pang malinaw na dahilan para ipaliwanag ang ganitong mga kaso.