Apat na mamanaya ang maghati-hati sa napanalunang halos₱43 milyong jackpot sa lotto nitong Huwebes ng gabi.

Sa abiso ngPhilippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, Enero 7, nahulaan ng apat na mananaya angwinning combination na 23-01-09-24-12-07 sa isinagawang draw nitong Enero 6 kung saan aabot sa₱42,945,708.20 ang nakalaang premyo.

Dalawa sa mga ito ang bumili ng tickeg sa Makati habang ang dalawa pa ay bumili ng ticket sa Guaga sa Pampanga at sa Maragondon sa Cavite.

Pinayuhan ang mga ito na magtungo na lamang sa PCSO Main Office sa Mandaluyong at magdala ng dalawang Valid IDs, pati na rin ang nanalong ticket upang makuha ang kanilang premyo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

PNA