Aabot sa 205 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,394,000 ang nakumpiska nang salakayin ng pulisya ang isang drug den sa Taguig nitong Huwebes, Enero 6, na ikinaaresto ng anim na katao.

Kabilang sa naaresto sina Nerilita Jumaquio, 55; Jon-Jon Cajucom, 35;Jobelle Cruz, 36; Norudin Bandong, 28; Raida Ali, 25; at Crisanto San Jose, 63, pawang taga-Taguig City.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District chief, Brig. Gen. Jimili Macaraeg, ang anim na suspek ay dinampot sa ikinasang buy-bust operation sa No.438 Dinggin Bayan St., Brgy. Ibayo-Tipas, dakong 6:50 ng gabi.nitong Huwebes.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 32 transparent plastic sachets, drug paraphernalias at mga personal na gamit ng mga suspek.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea