"Hindi lang siya basta showbiz friend… a good friend of mine, and I'm very happy na parte ka ng buhay ko… basta mahal na mahal kita… as a friend, ha?"

Iyan ang madamdamin at sinserong pahayag at pagbati ng Kapuso actor na si Paolo Contis, para sa kaniyang mabuting kaibigan sa showbiz, na walang iba kundi ang showbiz columnist na si Ogie Diaz, na nagdiwang ng kaniyang kaarawan noong Enero 2, 2022.

Tawang-tawa naman si Ogie nang marinig ang biro ng kaibigang si Paolo sa kaniya, na nagpadala ng video message para sa kaniyang kaarawan, na inihatid sa kaniya sa January 5 episode ng 'Showbiz Update' niya, na kaniyang entertainment/showbiz vlog kasama sina Mama Loi at Tita Jegs.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Paolo Contis (Screengrab mula sa YT/Showbiz Update)

Matapos umere ang sorpresang video message ni Aiko Melendez, sumunod namang umere ang video message ni Paolo Contis para kay Ogie.

Dito ay tila 'nadulas' sila na nasa Boracay nga si Paolo.

"Hiningan namin siya ng message for you!" masayang bungad ni Mama Loi.

"Sino?" sabi na tanong ni Ogie.

"Si Paolo! Kahit nasa Bora siya…" saad naman ni Mama Loi.

At umere na nga ang birthday greetings ni Paolo para kay Ogie.

"Happy Happy birthday to you, pare, alam mong sobrang happy ako sa narating mo, and I'm excited to see you next week para makapagkuwentuhan tayo at makapag-usap. Always remember I'm here for you," wika pa ni Paolo.

Panahon pa raw ng soap operang 'Mara Clara' ay talagang paborito na ni Ogie si Paolo, hanggang sa maging mas malapit sila sa 'Tabing-Ilog' noong nasa ABS-CBN pa si Paolo.

Nang mabanggit ni Paolo ang 'Mahal na mahal kita as a friend' ay nagkatawanan ang tatlong hosts. Ang 'as a friend' kasi ay tumatak na kay Paolo sa pagdepensa niya sa akusasyon ng mga netizen na ang third party umano sa hiwalayan nila ng longtime partner na si LJ Reyes ay si Yen Santos.

Kamakailan lamang, bago matapos ang 2021, ay muling pinag-usapan ng mga netizen ang umano'y pagtungo sa Boracay nina Paolo at Yen.

Naisyu pa na buntis si Yen dahil para umanong may baby bump na ito batay sa suot na damit. Paliwanag naman ni Paolo, mahangin lang daw ng mga panahon na iyon kaya nagmukhang mataba ang kaibigang si Yen.

"Gustong-gusto ko ang mukha ni Paolo, kaya ako ang pinaka-close niya na reporter sa nanay niya. At sinabi nga sa akin ni Paolo na 'Wala na akong pakialam sa ibang reporter, ang importante eh ikaw, ikaw ang pangkalahatan nila'" sabi raw ni Paolo kay Ogie.

Ganting tugon ni Ogie kay Paolo, "Mahal (din) kita… as a friend!"

Mama Loi, Tita Jegs, at Ogie Diaz (Screengrab mula sa YT/Showbiz Update)

Sa huli ay sinabihan ni Ogie si Paolo na lagi itong mag-iingat.