Itinanggi ni DefenseSecretary Delfin Lorenzana nitong Huwebes, Enero 6, ang sinasabi ng isang voice recording na kumakalat sa social media na magpapatawang gobyerno ng martial law o total lockdown upang mapigilan ang lalo pang paglobo ng bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa.

"Not true. Fake news. Definitely, out of the picture," ang bahagi ng mensahe ni Lorenzana sa mga mamamahayag.

Sa nabanggit voice recording, isang babae ang nagsasalita at kinukumbinsi ang publiko na mag-imbak ng pagkain hanggang Enero 30 dahil sa posibilidad na magdeklara ng batas militar o lockdown si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.

Sa nasabing senaryo, walang pinahihintulutang lumabas ng bahay kaya kinakailangang mag-imba ng sapat na pagkain, ayon sa nabanggit na babae.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“There is no compelling reason to declare martial law,” pagdidiin ni Lorenzana.

Nitong Huwebes, Enero 6, aniya, aabot sa17,220 kaso ng COVID-19 ang naitala ng Pilipinas, mas mababa pa rin kumpara sa 26,000 na naitala noong 2021.

"The highest we had was 26,000 plus last year. Today we have 17,220. This variant, while more transmissible, is less virulent than Delta. Less people get seriously sick," pahayag nito.

Pinag-aaralan pa aniya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang sitwasyon, gayunman, wala umanong magaganap na total lockdown.

PNA