Muli na namang pinag-uusapan ng mga 'Marites' ang makahulugang Facebook post ng self-proclaimed 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza, matapos niyang i-mention ulit si Barbie Imperial, ngunit this time, tila iniisyu naman ito sa sikat na tambalan at real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala bilang 'KathNiel.'

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Enero 5, "Barbie Imperial neseye ne eng lehet Kathryn Bernardo."

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi niya ang isang litrato ni Karla Estrada, nanay ni Daniel Padilla, at sa likod nito ay makikita sina Barbie Imperial at Kathryn Bernardo.

"Si Barbie ba yung nasa likod ng mom ni DJ?" ayon sa caption.

May be an image of 1 person, standing, tree and indoor
Barbie Imperia, Karla Estrada, at Kathryn Bernardo (Larawan mula sa FB/Xian Gaza)

Sa isa pang Facebook post, talagang tinawag niya ang atensyon ni Momshie Karla Estrada upang tanungin kung ano ang ginagawa ni Barbie sa bahay nina Daniel.

"Karla Estrada Madam, wala po akong balak siraan yung anak niyo dahil mataas po respeto ko sa mga lalaking kamukha ko. Ang nais ko lang po ay malinawan. Ano pong ginagawa ni Barbie sa bahay n'yo? May namamagitan po ba sa kanilang dalawa ni DJ?"

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Agad na nag-trending sa Twitter ang 'Barbie Imperial' at 'Xian Gaza' at tila hindi na nagugustuhan ng mga netizen ang ginagawa ng negosyante, lalo na ang KathNiel fans. Nananahimik umano ang dalawa ngunit kung ano-anong isyu ang inuungkat umano nito. Pumalag din ang mga tagahanga ni Barbie na umano ay naging 'biktima' ni Xian matapos umanong bigyan ng intriga ang relasyon nila ni Diego Loyzaga, na dumawit pa kay AJ Raval. Sa huli ay itinanggi nila ang mga paratang nito.

"I wonder what kind of brain Xian Gaza has."

"What's with Xian Gaza's obsession over Barbie Imperial? Baka sa susunod ilink mo na yan kay DU30 just so you could ruin her reputation?"

"Xian Gaza is doing everything to promote his useless and shitty gossip app and gain attention, and use it as part of his dramas on becoming a billionaire. Freak. I'll protect my girl."

"I really don't get how Xian Gaza has a platform even after harassing a different celebrity woman every month?? Yall are sick if you enjoy such 'tea'."

"Nakahanap ka ng fandom na bebengga sa'yo nang bongga! Huwag ang KathNiel!"

"Really Xian Gaza??? You're planning to break a 10-year relationship?? You're planning to break something that is built from the foundation of LOVE and TRUST??"

Noong 2018 ay itinanggi nina Barbie Imperial at Kathryn Bernardo na hindi sila okay sa isa't isa, matapos ang sigalot sa pagitan ng mga tagahanga nina Paul Salas at Daniel Padilla na pinag-usapan pa sa Twitter.

“Sobrang okay po kami ng KathNiel. Kasi sa set nga po naglalaro pa kami ng Mobile Legends, kami-kami. So okay po. Super okay," pahayag pa ni Barbie noon sa panayam. Ang set na tinutukoy niya ay sa 'La Luna Sangre,' ang sequel ng 'Lobo' at 'Imortal' ni Angel Locsin kung saan ang nagbida ay sina Kathryn at Daniel.

Samantala, wala pang latest post si Xian hinggil sa isyu. Wala pa ring pahayag o tugon dito ang KathNiel o maging si Barbie.