Mukhang masaya ang pasok ng 2022 sa Kapamilya actor na si Enchong Dee matapos niyang ibahagi sa kaniyang social media account ang kaniyang wacky dance video na may caption na 'Hello 2022.'

Pinusuan at nagkomento naman dito ang ilan sa kaniyang mga followers, subalit mapapansin na limitado lamang ang puwedeng magkomento rito.

Enchong Dee (Screengrab mula sa IG)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Enchong Dee (Screengrab mula sa IG)

Bukod sa kaniyang hip- hop dance video, ibinahagi rin niya ang mga litrato nila ng mga co-hosts sa Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10 kasama ang Top 2 ng celebrity edition na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion. Nagsimula na rin ang adult edition.

Enchong Dee (Screengrab mula sa IG)

Matatandaang napabalita na ang pag-apruba ng prosecutor's' office sa cyber libel case na isinampa sa kaniya ni DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim, kaugnay ng kaniyang malisyosong tweet sa kanilang marangyang kasal.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/28/prosecutors-inihain-na-ang-1b-cyber-libel-case-kay-enchong-agot-pokwang-at-ogie-diaz-nakalusot/

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang reaksyon o pahayag si Enchong dito, bagama't sinabi ng isa pang celebrity na si Ogie Diaz, na hindi siya ganap na makapagbunyi dahil naiwan pa sa balag ng alanganin si Enchong. Naabswelto na kasi si Ogie at ang dalawa pang artista na sina Agot Isidro at Pokwang.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/05/ogie-may-natutuhan-sa-ibinasurang-cyber-libel-case-ni-bautista-malungkot-para-kay-enchong/

Si Enchong ay napapanood tuwing Linggo sa 'ASAP Natin 'To' at bilang co-host naman sa PBB: Kumunity Season 10 para sa adult edition.