Naging paksa sa showbiz vlog na 'Showbiz Update' nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs ang tungkol sa akusasyon ni Anjo Yllana laban sa kaniyang kapatid na si Jomari Yllana at jowa nitong si Abby Viduya o mas kilala sa screen name na 'Priscilla Almeda.'

Matatandaang inakusahan ni Anjo sina Jomari at Abby na binulsa umano ang campaign funds na bigay sa kaniya ng sponsor, sa pagtakbo niya bilang kongresista ng 4th District sa Camarines Sur (CamSur). Kaya ang siste, umatras na lamang si Anjo dahil sa kakulangan ng pondong gagamitin umano sa pangangampanya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/05/jomari-at-abby-inakusahan-ni-anjo-yllana-binulsa-raw-ang-campaign-funds/

Ayon sa souce ni Ogie, naibulong daw sa kaniya na may kumausap umano kay Anjo na i-atras na lamang ang kaniyang pagtakbo kapalit ng tumataginting na ₱5M.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Sabi ng source ko sa CamSur, hindi ko naman po kino-confirm ito na totoo ah, hindi ko naman sinasabing hindi siya (source) reliable pero ito lang ‘yung nasagap namin na puwede namang pabulaanan ng kung sinuman ang tatamaan nito," disclaimer ni Ogie.

“Na si Anjo ay umatras sa kanyang kandidatura bilang congressman at sinabi niya sa sponsor niya na kumuha na lang ng substitute dahil hindi na niya kinakaya ‘yung mga nagaganap dahil medyo gipit na rin si Anjo financially."

“Ngayon, so, merong tsika na yung kalaban, hindi ko alam kung sino ang kalaban ni Anjo no (pulitika), na inawitan daw si Anjo na 'Umatras ka na at bibigyan ka namin ng ₱5M.' ‘Yun ang nakarating na balita sa source ko. Kaya mas pinili na lamang daw ni Anjo na umatras ng may ₱5M."

"Kaya nagagalit daw si Jomari kay Anjo kaya itatanong din namin kay Anjo kung totoo ba na may natanggap siyang ₱5M," chika pa ni Ogie.

"According kay Anjo, hindi niya ma-imagine at maatim na ang sariling kapatid ang gagawa ng ganoon sa kanya,” giit naman ni Ogie sa isyu ng pambubulsa umano ni Jomari sa campaign funds na mula sa isang sponsor, batay mismo sa Facebook post ni Anjo, na burado na ngayon.

Hindi rin umano nasunod ang pangakong may matatanggap na bonus si Anjo pagkatapos niyang mag-file ng COC.

"So pareho silang at fault dito kasi ‘yung isa (Jomari) hindi ibinigay ang buo (budget) tapos (Anjo) umatras tinanggap ‘yung ano (offer)?” untag ni Mama Loi kay Ogie.

"Yun nga, kina Jomari parang naakusahan naman na kinakaltas nila ‘yung kalahati ni Abby Viduya na hindi naman natin confirmed kung totoo ‘yun, ha? Na kalahati lang napupunta kay Anjo, eh, siya ‘yung pagod na pagod na for how many months niya itong ginagawa na ikinalulungkot daw ni Anjo," tugon naman ni Ogie.

Naungakt din ang mga sinasabi umano ni Anjo na hindi raw magandang halimbawa sina Jomari at Abby dahil sa mga ginawa nila sa kani-kanilang mga pamilya.

Nakakalungkot daw na balita ito na kagaya ng nangyari sa Barretto sisters noong 2019 (Marjorie, Gretchen, at Claudine). Sanay pa naman daw ang publiko na good vibes sina Anjo at Jomari.

“Hindi tayo sanay na mga Yllana nag-aaway. Ang masaklap nito, parang si Jomari nagkuwento sa nanay (nila) at sa mga kapatid. At kumampi ang pamilya kay Jomari kaya medyo masama ang loob ni Anjo. Kasi ang totoo raw ay siya ‘yung naisahan kasi hindi ibinigay sa kanya ‘yung buong budget,” sey ng showbiz columnist.

Samantala, wala pang pahayag o kumpirmasyon mula kay Anjo kung trulalu ba ang chikang ito, gayundin sa mga inaakusahang sina Jomari at Abby. Bukas ang Balita Online sa pahayag ng kaniomang panig hinggil dito.