Umatras na sa kaniyang kandidatura bilang kongresista sa 4th district ng Camarines Sur sa 2022 ang TV host-comedian na si Anjo Yllana dahil sa kakulangan umano sa pondo para isagawa ang pangangampanya.

Nawala umano ang kaniyang pondo dahil may nagbulsa umano sa campaign funds na ibinigay sa kaniya ng sponsor, na hindi naman niya binanggit kung sino ang mga tinutukoy niya.

Ngunit nitong Enero 1, may pasabog sa kaniyang Facebook post si Anjo kung saan binanggit niya na ang binabanggit niya ay ang kapatid na si Jomari Yllana at ang jowa nitong si Abby Viduya o mas nakilala bilang Priscilla Almeda. Sa ngayon ay burado na ang naturang FB post.

“I decided to talk to a lawyer and to file a case against Jose Maria Yllana (Jomari) and Abby Viduya who misled me," bahagi ng FB post ni Anjo.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Ayoko na sana but the way he treats his children bothers me, the way the girl left her husband. I am sure cases from both the mother of their kids and the husband will also be filed,” aniya pa.

Hinamon naman ni Anjo ang dalawa na isagawa ang lie detector test sa Camp Crame upang mabantad na ang katotohanan.

“Kung ayaw nila ng court proceedings, simple lang kaming tatlo ni Jomari at Abby schedule a lie detector test sa Camp Crame, just to prove to my mom I am telling the truth."

“Siguro naman, kung di sila guilty, papayag sila sa hamon ko na ito."

“I am also doing this for my children who are hurting because I am a forgiving person but Andee Yllana said go for it because maybe she was there when I was going around the 4th district of CamSur, and saw from morning to the late afternoon, kahit may hika ako sinipagan ko,” pahayag pa ng komedyante.

Patutunayan din umano ni Anjo sa kanilang ina na siya ang nagsasabi ng totoo dahil mas pinaniniwalaan nito umano si Jomari.

Agad na binura ni Anjo ang mahaba niyang post sa kaniyang socmed, at sa halip ay pinalitan ng pahayag na “Tired of ranting here. I’ll just see you when I see you.”

Si Jomari ay kumakandidatong konsehal sa 1st district ng Parañaque City.

Samantala, wala pang tugon o kontra-pahayag ukol dito ang kampo nina Jomari at Abby. Hangad naman ng mga netizen na maayos ng magkapatid ang isyung ito at huwag na sanang sumampa o umabot pa sa korte.