Nagpasalamat ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez sa mga tagahanga at tagasuporta niya na naglaon ng pera, oras, at panahon upang iboto siya na maluklok bilang isa sa mga Top 2, sa celebrity edition finale ng 'Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10' kung saan nakasama niya ang housemate na si Anji Salvacion.

Saad niya sa kaniyang Twitter account, "Sa lahat po ng nagbigay ng oras, pagmamahal at suporta sa PBB journey ko, maraming- maraming salamat po!"

Screengrab mula sa Twitter/Alyssa Valdez

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Gumawa ng kasaysayan ni Alyssa dahil siya lamang ang celebrity housemate na hindi naboto o na-nominate man lamang sa buong panahon ng kaniyang pagiging housemate, magmula sa unang nomination night hanggang sa piliin na nga ang dalawang matitirang celebrity housemate.

Maging ang mga kapwa housemate niya gaya ni Brenda Mage ay naniniwalang deserve ni Alyssa ang spot na mayroon siya ngayon.

Nagpaabot din ng pagbati ang mga netizen.

"Thank you for embodying the definition of humility & leadership. You rarely speak but when you do, it speaks volumes. Your values manifest in your actions. I did not know you before but I am glad, I did now bec you inspired me hugely & I've learned so much by just watching."

"Deserved mo lahat Phenom, dami learnings, values and realizations na na-impart mo sa madlang viewers just by watching you everyday sa BNK, and iba ang sense of humor ng heart strong phenom ng Batangas natural na natural hahaha."

"Thank you so much for inspiring us. You are truly a person with a big heart. Like Samatha said, you are a humble and compassionate person."

"You proved yourself since Day 1 Alyssa. You're such an inspiration to many. So proud of you!"

Alyssa Valdez finishes into top 2 of PBB Celebrity Kumunity – Manila  Bulletin
Alyssa Valdez (Screengrab mula sa YT/Kapamilya Online Live)

Samantala, hindi pa malinaw kung tuluyan na bang papasukin ni Alyssa ang pag-arte.