Enero 2, 2022, isang araw matapos ang salubong sa Bagong Taon, agad na nabuhayan ng dugo ang mga 'Marites' nang mabalita sa Balita Online ang pagkakapansin ng mga netizen na burado na ang mga litrato at videos ni dating DILG Secretary Mel Sarmiento sa social media accounts ng kaniyang fiancee na si Queen of All Media Kris Aquino.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/03/fiance-na-si-mel-wala-nang-bakas-sa-socmed-ni-kris-tanong-ng-mga-netizens-hiwalay-na-ba/

Isang 'palatandaan' kasi ngayon ng hiwalayan ang pag-unfriend, pag-unfollow, o pagbubura ng mga litrato at video sa social media ng love birds, gaya ng ginawa ng iba pang mga celebrity couples na naghiwalay na rin ng landas noong 2021.

Nitong Enero 3 ay binasag na ni Kris ang kaniyang katahimikan: kumpirmadong hiwalay na sila ni Mel.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"For once, hindi mahaba ang caption. Lahat po klaro, nasa carousel of artcards, pics, and screenshots na. #truth #faith #peaceofmind #peaceinmyheart," saad ni Kris sa kaniyang Instagram post nitong Enero 3 ng gabi.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/03/kris-kinumpirma-ang-hiwalayan-nila-ni-mel-you-will-never-read-nor-hear-anything-at-all-about-him-from-me/

Bukod sa pagpapakita ng kaniyang kalagayang pangkalusugan, ipinakita rin ni Kris ang mga 'resibo' ng kanilang hiwalayan, na komento pa ng mga netizen ay para umanong 'resignation letter'. Ipinaliwanag kasi ni Mel kung ano ba ang nag-udyok sa kaniya upang tuluyan nang iwanan ang nobya, na nag-uugat sa karamdaman nito at sa banta ng COVID-19.

"I will just post screenshots of Mel's last text message to me. After that you will never read nor hear anything at all about him from me, because I still want to preserve whatever dignity I have left," ani Kris.

Hindi kasi maaaring magkaroon ng COVID-19 si Kris na baka magpalala sa auto immune condition nito. Batay sa huling mensahe ni Mel ay mukhang si Kris ang nag-offer ng breakup.

Hindi umano kakayanin ng konsensya ni Mel kung may mangyayaring hindi maganda o mas magpapalala sa kalagayang pangkalusugan ni Kris kung patuloy ang paglapit niya rito lalo na't may 'bubble fatigue' na siya.

"On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go."

"I will cherish in my heart the happy moments we had together. I do love you, but I guess this goodbye for your life is of greatest importance given that you have Bimby and Josh to take care of. You will be forever be in my heart," saad pa ni Mel."

Agad na nag-trending si Mel Sarmiento sa Twitter at iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizen tungkol sa kanilang break-up na gumising sa kamalayan ng mga papahimbing na sana noong nagdaang gabi.

"Mel Sarmiento's break up text with Kris Aquino is the epitome of toxic masculity and how men are literal trash. Imagine breaking off an engagement with a person at her lowest just because you get bubble fatigue? Ghoooorl."

"Ganoon talaga. Kung both parties naman ang sumang-ayon, wala na tayong magagawa sa bagay na 'yan. Tanggapin na lang natin, otherwise hindi naman natin lovelife 'yan. Get well soon, Kris!"

"Alam naman ni Mel Sarmiento na ganun kondisyon ni Kris Aquino, tapos nag-propose pa siya? Dapat sa una pa lang tanggap n'ya na yung kalagayan ni Kris wholeheartedly. Kaya nga 'or better or for worse' sinasabi sa kasal. Parang nagpaasa pa eh."

"Lintek na COVID-19 na 'yan, panira ng relasyon eh!"

"I feel bad for Kris. She deserves someone who’s willing to be with her through thick or thin, in sickness and in health. Apparently Mel Sarmiento is not the one. He is selfish. That’s not love at all! Leaving her just because of bubble fatigue! Seriously!"

"May point din naman si Mel. Oo nga naman, paano kung siya pa ang magdala ng virus kay Ms. Kris? Tingnan n'yo nga si Kris, ang payat na niya. Siguro kapag okay na ang lahat at the feelings are still there, baka puwede pa ipagpatuloy ang naudlot na pagsasama."

"Hindi ba kapag mahal mo, dadamayan mo sa paghihirap na, lalo na sa lowest point niya?"

"Praktikalidad lang naman ang pinairal ng dalawa. Somehow gets ko naman ang punto nila kung bakit mas pinili na lang nilang maghiwalay. Mas magiging at risk nga naman ang health ni Madam Krissy kung may makakahalubilo siya na laging nasa labas. At same time, alangan namang hindi na rin gawin ni Mr. Mel ang mga dapat niyang gawin? Pero ang akin lang, sana hindi na humantong pa sa engagement."

Samantala, wala pang pahayag si Mel Sarmiento hinggil sa isyung ito.