Isang lalaking overseas Filipino worker (OFW) mula sa Papua New Guinea ang natagpuang patay sa loob ng banyo ng tinutuluyang quarantine hotel room sa Pasay City nitong Lunes, Enero 3.
Ang 40-anyos na OFW ay dumating sa naka-check in sa Citadines Bay City sa Pasay City ng Enero 2, dakong 9:34 ng gabi.
Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nadiskubre ng hotel staff at PCG duty marshal ang bangkay ng OFW sa loob ng banyo ng hotel room 720, dakong 11:17 ng umaga.
Ilang minuto bago madiskubre ang insidente, nagpadala ng groceries ang mga kaanak ng OFW.
Nang ihahatid na sana itong house parent ng Overseas Workers' Welfare Administration (OWWA) at ng PCG marshal sa kanyang kuwarto ay nagulat sila nang matagpuan na ang bangkay.
Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang pulisya sa insidente.
Bella Gamotea