Matapos ang pagsisiwalat na hiwalay na sila ng fiance na si Mel Sarmiento gayundin sa kaniyang pakikipaglaban sa sakit, bumuhos ang mga dasal at suportang moral para kay Queen of All Media Kris Aquino.

Isa-isang nagkomento ng kanilang mga mensahe ang mga kaibigan at ilang malalapit na celebrities kay Kris na naghahangad na sana ay malampasan niya ang pakikipagbuno sa sakit na nagpapabagsak ngayon sa kaniyang katawan.

Darla Sauler: "I love you always Krisy, and lagi kang nasa dasal ko."

Ogie Alcasid: "Prayers for you mare."

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

K Brosas: "Love you gorge! Andito lang kami palagi kahit hindi tayo nagkikita… kasama ka lagi sa mga dasal ko."

Carmina Villaroel: "Praying for you and your health Ninang @krisaquino, mahigpit na yakap."

Judy Ann Santos: "Sending you lots of prayers Kris… be well soon…"

Miles Ocampo: "I love you, nanay. I love you so much."

Jolina Magdangal: "Ate, will pray for your strength."

Melai Cantiveros: "We will pray for ur health Ms. Kris."

Dimples Romana: "Ate praying for you always."

Francis Libiran: "Get well soon."

Cherry Pie Picache: "Mahigpit na yakap… you'll be in my prayers Kris. God loves you!!!"

Karen Davila: "Dear Kris, I am so sorry to hear this, please be strong. God is with you, He will never abandon you. Praying for you @krisaquino."

Sinasabing ang puno't dulo ng hiwalayan nina Kris at Mel ay upang hindi na ma-expose pa si Kris sa COVID-19 na bawal na bawal lalo na sa kondisyon niya ngayon. Kung magpapatuloy pa umano ang kanilang pagkikita ay baka makapagdala lamang daw ng virus si Mel na makapagpalala pa kay Kris, ayon sa ipinadala niyang text message.

Samantala, matapos ang pagpo-post ng art cards nitong Enero 3 ay nangako si Kris na hindi na siya magsasalita nang kahit ano laban sa naging hiwalayan nila ng fiance, bilang pagtitira sa kaniyang dignidad sa sarili.