Matapos mapabilang sa Final 5 at mapaalis na sa Bahay ni Kuya, back to normal na ulit ang komedyanteng si 'Brenda Mage' na cool lamang na hinarap ang mga panlilibak, patutsada, at bash sa kaniya ng mga bashers na hindi nagustuhan ang pagiging 'Marites' niya sa Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10 Celebrity Edition.

Sa kaniyang Facebook posts ay agad siyang humingi ng dispensa sa mga taong hindi nagustuhan ang kaniyang ikinilos sa loob ng BNK.

"I'm back, Marithes," saad ni Brenda sa isa niyang FB post kalakip ang throwback photo niya noong 'straight-looking' pa siya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

May be an image of 1 person
Brenda Mage (Larawan mula sa FB)

Sa isa pang FB post ay dito na siya humingi ng paumanhin.

"Lahat ng salita at aksyon ko ay sumasalamin sa aking pagmumukha at pagkatao… Kaya kung may nasaktan man ako sa mga nagawa ko I am sorry… heto talaga ako eh… I am not MARITES but this is BRENDA MAGE … Lablablab God bless!"

May be a closeup of 1 person and indoor
Brenda Mage (Larawan mula sa FB)

Sa Facebook post naman niya nitong Enero 3, muli siyang humingi ng tawad sa mga netizen na hindi nagustuhan ang mga aksyon niya sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Pasensya na po talaga sa lahat ng nangyari… Tao lang po (mukha lang hindi) nagkakamali… Salamat po…"

Ang itinanghal na Final 2 para sa celebrity edition ay sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion. Nagsisimula na rin ang adult edition kung saan dalawa rin ang pipiliin mula sa kanila.