Bago matapos ang 2021 ay muli na namang pinag-usapan sa umpukan ng mga 'Marites' sina Paolo Contis at Yen Santos, matapos umano silang maispatan sa airport patungong Boracay 'as a friend'.

Hindi lamang iyon ang pinag-usapan, dahil batay umano sa naturang litrato, parang may baby bump na umano si Yen kaya lumabas naman ang mga haka-hakang buntis ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/30/paolo-contis-at-yen-santos-nagpunta-at-magkasama-nga-ba-sa-boracay/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Paolo Contis at Yen Santos, nagpunta at magkasama nga ba sa Boracay? –  Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Yen Santos at Paolo Contis (Larawan mula sa Balita Online)

Bagay na sinagot naman ng showbiz columnist na si Ogie Diaz sa kaniyang showbiz/entertainment vlog na 'Showbiz Update' kung saan siya mismo ang nagtanong kay Paolo kung trulalu bang jontis ang kaniyang special friend.

Nagmukha lang daw malaki ang tiyan ni Yen dahil sa malakas na hangin na nililipad ang damit na suot nito noon.

“May tanong na naman sila, 'Nay. Buntis daw ba si Yen Santos kasi parang ang taba niya ngayon, saka, 'Nay yung oversized niya na suot. Parang may laman yung tiyan," untag ng co-host ni Ogie sa vlog na si Mama Loi.

“Yung tungkol doon sa kung buntis ba si Yen Santos, as per Paolo, hindi buntis si Yen Santos. Ang payat nga raw ni Yen Santos. Ang nakunan daw ay ‘yung paglipad ng damit ni Yen Santos kaya nagmukha siyang mataba kasi ang hangin that time," paliwanag ni Ogie.

May paalala rin si Ogie sa mga Marites na sa takdang panahon ay magsasalita naman sina Paolo at Yen sa lahat ng mga intrigang nauugnay sa kanila. Huwag na lamang daw umepal at pangunahan sila.

Bagay na sinegundahan naman ng showbiz columnist at talent manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis. Ipinagtanggol niya ang alaga at si Yen dahil wala umano siyang nakikitang masama kung magkagustuhan ang dalawa. Pareho na raw silang single ngayon at hindi naman sila kasal, 'So anong problema?' aniya.

Kung babalikan, unang nabalita ang tungkol sa umano ay 'espesyal na pagkakaibigan' ng dalawa nang maispatan sila ng ilang mga netizens habang kumakain sa Baguio at ilan pang mga litrato sa Pangasinan. Si Yen tuloy na naging katambal niya sa pelikulang 'A Faraway Land' ang pinagbuntunan ng sisi ng mga netizen na siyang third party umano sa breakup nina Paolo at LJ.

Ipinagtanggol naman ni Paolo si Yen sa pamamagitan ng isang Instagram post.

"She was never the reason of our breakup. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado n'yo siyang diniin sa issue na ‘to. Pati pag-promote namin ng movie nabahiran na ng kung ano-ano."

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for three days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip-isip. Naging insensitive ako about the possible effects ng issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din."

“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya nang ganito. I’m sorry for this."

Samantala, hanggang ngayon ay hindi naman ipinaliliwanag ni Yen ang kaniyang sarili simula noong pumutok ang isyung ito.