Isa sa mga batikan at mahusay na aktor na talaga namang may dedikasyon sa kaniyang craft, ay ang award-winning actor na si Mon Confiado. Kahit na anumang papel ang ibigay sa kaniya ay nabibigyan niya ng hustisya; hindi lamang sa pag-arte kundi maging sa hitsura ay pinaghahandaan niya.

May be a closeup of one or more people and people standing
Mon Confiado (Larawan mula sa FB)

No photo description available.
Mon Confiado (Larawan mula sa FB)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May be an image of 1 person and standing
Mon Confiado (Larawan mula sa FB)

Nitong Enero 2, 2021 ay ibinahagi ni Mon sa kaniyang Facebook post ang ginagawa niyang characterization at paghahanda para sa pelikulang 'The Fisher' directed and written by Paul Soriano, kung saan kasama siya sa cast members.

Makikitang inililista ni Mon sa isang notebook ang mga impormasyon ng kaniyang karakter: magmula sa body language nito, katangian, at physical appearance.

Nakaharap din sa kaniya ang soft copy ng script na naka-download sa kaniyang laptop, gayundin ang hard copy nito.

Mon Confiado (Larawan mula sa FB)

May be an image of 2 people and indoor
Mon Confiado (Larawan mula sa FB)

No photo description available.
Mon Confiado (Larawan mula sa FB)

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

"You are a very professional Kuyz Mon Confiado. Being a great actor comes with great responsibility to bring justice to your craft. Kudos po! Salute!"

"Will wait for this film… nakaka-excite how you would portray this character. Pati galaw ng ulo pinag-aaralan pala.. lalo mo ako pinabilib."

"An artist's passion like no other. Dedicated to your craft. Good luck to your new year debut project dear Mon Confiado!"

"Pro na pro talaga brother Mon Confiado. One of the best in the industry! Sana next project ko makasama na kita!"

Kaya naman, hindi kataka-takang makatanggap siya ng mga parangal at pagkilala sa kaniyang husay sa pagganap. Ilan sa mga ito ay ang 'Best Supporting Actor' 2008 at 2018 FAMAS Awards for Movies, 'Movie Supporting Actor of the Year' sa 32nd PMPC Star Awards for Movies (2016), 'Best Performance by Male or Female, Adult or Child, Individual or Ensemble in Leading or Supporting Role' sa 2017 at 2018 Young Critics Circle, at 'Best Actor' para sa 2018 Sinag Maynila Film Festival.

Hindi na rin mabilang ang mga teleserye at pelikulang kinabilangan niya. Isa sa mga markadong papel na ginampanan niya ay si Emilio Aguinaldo sa critically-acclaimed movie na 'Heneral Luna' ni John Arcilla, na hinahandugan pa ng standing ovation sa mga sinehan.