Isa ang showbiz columnist na si Lolit Solis sa mga nag-aalala sa health condition ngayon ni Queen of All Media Kris Aquino, na halatang-halata na umano ang kapayatan, lalo na kapag itinabi na sa kaniyang mga anak na sina Joshua Aquino at Bimby Aquino Yap.

"Sana naman kahit konti lang madagdagan ang timbang ni Kris Aquino, Salve. Sobra ang kapayatan niya sa latest photo nila ni Joshua at Bimby. Lalo pa nga at ang lalaking bulas ng dalawa. Ang tataas at talagang maganda ang built nina Joshua at Bimby kaya parang ang liit-liit ni Kris Aquino sa gitna nila," pahayag ni Lolit sa kaniyang latest Instagram post.

"Actually mahilig kumain si Kris, mahilig pa sa meat kaya puwede naman madagdagan agad ang timbang niya basta lang maganda pakiramdam niya."

Subalit para kay Lolit, mas blooming ngayon si Kris, dala marahil umano ng pagiging 'inlababu' nito sa fiance na si Mel Sarmiento. Iyon nga lang, wish niya na sana ay magkatimbang naman kahit kaunti ang Queen of All Media, kahit 10 pounds lang.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Pero honest ha, blooming si Kris ngayon, para ngang mas gumanda siya ngayon dahil siguro naka rest ng mabuti, at siguro walang stress. Or baka naman talagang in love. Pero dapat lang kahit mga 10 pounds lang, dagdag timbang siya. Dahil sobra na siya sa liit ngayon. Happy new year Kris, stay safe and strong. We love you," pahayag pa ni Lolit sa actress-TV host-vlogger na may problema sa immune system.

Habang marami sa mga netizen ang sumang-ayon sa kaniya, may mga nag-ungkat naman sa napansing burado na ang mga litrato at video ni Mel sa social media accounts ni Kris.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/03/fiance-na-si-mel-wala-nang-bakas-sa-socmed-ni-kris-tanong-ng-mga-netizens-hiwalay-na-ba/

"Burado na si Mel sa IG ni Kris nay."

"Sitahin mo siya manay. Chika-chikahin mo 'yan para at least gumana siyang kumain nang bongga."

"Ok lang naman mga Korean actresses nga mas payat pa kay Kris 'di ba?"

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Kris tungkol sa isyu.