Matapos mag-perform sa ASAP Natin ‘To stage nitong Linggo, Enero 2, pasabog sa kanyang short hair look si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa pagbubukas ng taon. Agad din itong kinagiliwan ng kanyang solid fans.

Ilang solid Reginians pa ang nagbahagi ng ilang throwback photos at ikinumpara ang halos walang pagbabagong itsura ni Regine matapos ang ilang dekada sa industriya.

“Regine V's photo in 1999 and 2022! Nothing changed, she's still a Goddess,” pagbabahagi ng isang fan sa Facebook group na tampok si Songbird.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Larawan mula ASAP Natin 'To (kanan) at mula sa Facebook user na si Erin (kaliwa)

“Ageless, fresh and always getting even younger” naman ang naging komento ng isa pang fan at ibinahagi ang ilang larawan ng bagong look ni Songbird.

Tila napa-throwback ang fans dahil isa sa mga iconic looks ng singer ang short hair noong late 90’s at early 2000’s.

Nitong Linggo, muling binirit ni Regine ang kantang “Maghintay Ka Lamang” sa segment ng ASAP na “The Greatest Showdown.”