Hindi raw pinatahimik ng mga netizen ang cellphone ng showbiz columnist na si Ogie Diaz hinggil sa mga komento at opinyon niya sa kalidad ng cochinillo ni Marvin Agustin, na pinayuhan pa niyang puwede baka puwede niyang i-refund ang bayad ng mga customers na nagreklamo sa kaniyang ibinebentang produkto, kung nais nitong itayo pa ang dignidad.

Si Ogie rin mismo kasi ang nagsabi, pati na ang direktor na si Darryl Yap, na hindi sila nasarapan sa cochinillo ng actor-chef, na ipinost pa niya sa Facebook.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/29/ogie-diaz-darryl-yap-hindi-nasarapan-sa-cochinillo-ni-marvin-agustin/

Sa December 31 episode ng entertainment vlog ni Ogie na 'Showbiz Update', in fairness naman kay Mama Ogie ay ipinakita nila sa video ang mga netizen na tumutol sa mungkahi niya kay Marvin na i-refund ang mga binayad ng mga naimbyernang customers. Nakain naman kasi ang cochinillo at nakapagbitiw pa ng hindi magandang review ang mga ito.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Nakakaloka ‘Nay (Ogie) ‘yung mga netizen hindi sumasang-ayon sa ‘yo! ‘Yung iba galit bakit daw ire-refund, eh nakain naman ‘yung cochinillo?” sabi ng co-host ni Ogie na si Mama Loi.

Natatawa naman itong sinagot ni Ogie.

"Ako naman ay nababasa ko naman po ‘yun at hindi po ako dapat ma-hurt kasi ganoon naman talaga kapag sa social media nakasawsaw ang mga paa mo handa kang mabasa, handa kang maputikan."

“Ikinokonsidera ko naman po ‘yung inyong mga komento, natutuwa rin ako at na-appreciate ko ‘yung kanilang constructive criticism tungkol doon sa aking nasabi kay Marvin na ang suggestion ko ay kung kayang i-refund ni Marvin ‘yung mga umorder sa kanya."

“Kung 100 ‘yung umorder, eh, ibalik mo ‘yung 100 na inorder nila, hindi naman po ganoon. Ang akin lang Loi, suggestion ko lang naman. Di ba, may mga ganoon na pag hindi nagustuhan…"

“Tama naman ‘yung iba na bakit pa ire-refund kung natikman naman kung baga ‘yung iba sabi, ‘Hindi niya nagustuhan porke’t hindi niya nagustuhan kailangan balik ‘yung bayad?"

"Depende nga ‘yun kay Marvin. So, kung gustong ibalik ni Marvin, eh, 'di mas maganda, mas okay. Kung ayaw ibalik, eh, hindi rin naman para mag-rally tayo sa harap ng bahay ni Marvin at sundin natin ‘yung sinabi ni Ogie Diaz na i-refund."

“Suggestion lang ‘yung sa akin pero kung ayaw ni Marvin at gusto niyang balikan sila ‘Uy patitikimin ko ulit kayo ng aking cochinillo bago na ito, eh, 'di mas okay, 'di ba?"

Humingi ng tawad si Ogie sa mga netizen na hindi nagustuhan ang kaniyang mga nasabi.

“At the end of the day, gusto ko pong humingi ng sorry kung feeling ninyo, ako ay nagkamali ng aking opinyon, eh, sorry po."

“Kasi at the end of the day ulit hindi ko naman mapi-please ang lahat, 'di ba? Merong umayon sa opinyon ko, meron ding hindi. Doon sa mga hindi nagkagusto sa aking opinyon, ‘I am sorry, ‘no. Nag-aapologize po ako sa inyo,” sey ni Ogie na ginaya pa ang tono ng pananalita ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Naitanong naman ni Mama Loi kung humingi na ba siya ng dispensa kay Marvin.

“Kung sasabihin niyang na-offend (siya), eh, di magso-sorry ako kay Marvin bakit hindi? Eh, siyempre ang buhay ay ganoon. Feeling mo nakasakit ka ng damdamin, eh, di mag-sorry ka."

"Eh syempre ayaw naman nating magkarga ng mga bagahe sa dibdib, so, sorry po sa lahat ng hindi nagkagusto sa aking opinyon, pero siyempre 'di ba, ang opinyon ko ay opinyon ko po, baka may opinyon din naman ang iba na puwede rin naming kontrahin pero wala kaming magagawa kung opinyon din n’yo ‘yun,” saad pa ni Ogie.

“Natutuwa ako na alive na alive ang netizens at ina-appreciate ko po ‘yung constructive criticisms, ‘yung pong halos laitin na ako mula ulo hanggang paa wala naman akong magagawa social media n’yo ‘yan at gusto ninyong mag-comment, go lang po,” hirit pa ng showbiz columnist.

Samantala, mukhang nagbalik na sa operasyon si Marvin, na tumanggap ng orders nitong Bagong Taon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/02/lavarn-marvin-tuloy-ang-negosyo-tumanggap-ng-orders-para-sa-bagong-taon/">https://balita.net.ph/2022/01/02/lavarn-marvin-tuloy-ang-negosyo-tumanggap-ng-orders-para-sa-bagong-taon/