Hindi paaawat ang aktres na si Rita Avila sa pagpapakita ng pagsuporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa darating na halalan 2022; dahil bukod sa kaniyang pink pasta na tinawag niyang Leni Kiko spaghetti, gumawa siya ng 'pink fruit salad' na ibinahagi niya sa social media nitong Enero 1, 2022.

Inialay niya ang pink fruit salad sa mga 'Kakampinks' o tawag sa mga tagasuporta ng tambalang Leni-Kiko. Isinama rin niya ang litrato ng kaniyang pet dog na si 'Uriela' na nakasuot ng pink na damit.

"For my kakampinks: from pink taho to puto to puto bumbong to pandesal to lotsa more pink and fun. Happy pink fruit salad to you!" ayon sa kaniyang caption.

"May 2022 be fruitful to all of us. As in all of us. If for a minute we can unite in spirit and thank God that we are alive… it is already a wonderful gift for Him and for everyone. Salamat."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula

Umani ng kritisismo ang kaniyang 'Leni Kiko spaghetti' noong holiday seasons subalit dedma naman dito si Rita. Kahit weird umano ang kulay ng kaniyang pasta ay masarap naman daw ito dahil niluto niya ito 'with love'.

"This was made with fun and love. Kahit ano pang paninira ang gawin n'yo ay hindi n'yo matatanggal ang fun and love sa akin. Kayo 'yan. Enjoy your disrespect for food just because Leni Kiko ito," aniya sa isang social media post.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/02/rita-avila-proud-sa-kaniyang-pink-leni-kiko-spaghetti-dedma-sa-mga-bashers/

Si Rita ay isa sa mga celebrities na sumusuporta sa tambalang VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan bilang mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo, sa halalan 2022.