Sinasadya o hindi sinasadya nga bang masabi ni Manay Lolit Solis na may relasyong higit pa 'as a friend' ang alagang si Paolo Contis at aktres na si Yen Santos?

Nito kasing Enero 2, 2022 ay ipinagtanggol ni Lolit ang dalawa mula sa mga bashers na kumukuwestyon umano sa pagiging magkalapit ng dalawa, at nabanggit niya ang pahayag na 'Ano ngayon kung silang dalawa na?' Paliwanag ng talent manager/showbiz columnist, wala naman daw masama kung sina Paolo at Yen na nga, ayon sa kaniyang Instagram post.

"Iyon issue kina Paolo Contis at Yen Santos hanggang ngayon hindi ko maintindihan, Salve. So si Paolo Contis natapos ang relasyon kay LJ Reyes, naghiwalay. Si Yen Santos, siguro tapos na rin sa BF niyang politician. Nagtagpo ang dalawa, naging sila, so ano problema?" ani Lolit.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Yen Santos at Paolo Contis (Screengrab mula sa IG/Lolit Solis)

"Hindi kasal si Paolo kay LJ, wala naman sabit si Yen sa pulitiko, eh ano ngayon kung silang dalawa na? Nagtataka nga ako bakit kailangan nila magtago, o umiwas eh pareho naman silang walang commitment. Meron na rin naging anak kay Paulo Avelino si LJ Reyes, walang naging issue, kaya hindi naman siguro hahabulin ni LJ si Paolo Contis dahil sa anak nilang si Summer."

"Ganun talaga ang kapalaran nila, na-in love, na fall out of love, nakatagpo ng iba. So bakit para bang gulong-gulo ang lahat sa mga pangyayari sa buhay ni Paolo Contis? Palagay ko naman kahit sino ayaw naman maging ganyan ang kapalaran, lalaki o babae, gusto mo rin stability sa relasyon mo. Pero pag ganyan kapalaran mo, wala ka naman magagawa, kahit masakit para sa iyo, tuloy pa rin ang buhay."

Sana raw ay huwag maging judgmental ang mga tao kina Paolo at Yen.

"Huwag naman tayong maging judgemental, bigyan natin ang lahat ng second chance, third o higit pa hangga matagpuan niya ang kaligayahan para sa kanya. Hayaan natin sila mismo ang makakita ng pagkakamali nila, huwag natin unahan. Kung ano gusto ni Paolo at Yen, let it be, at idasal na lang natin na sana ito na ang hinahanap nilang final journey sa lovelife nila."

"Kung sila, good, kundi sila, ok hanap uli ng iba. Let them live the life that they want. Kanilang buhay iyon, sila dapat umayos ng gusto nila. Right!!"

Bago matapos ang 2021 ay muli na namang napag-usapan ang dalawa nang kumalat ang mga umano'y litrato nila habang magkasama sa airport, patungo umanong Boracay, bagama't wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa kung totoo ba ito.

Samantala, si Lolit din ang nagbuking at nagkumpirma na hiwalay na nga sina Paolo at LJ. Sinabi rin niya na 'mother figure' kasi ang awra ni Yen Santos kaya naman ito ang natakbuhan ni Paolo noong may pinagdaraanan ito.

Kaya naman tanong ng mga netizen, kumpirmasyon na ba ito ni Lolit na trulalu at walang halong eklavu ang relasyon nina Paolo at Yen?